^
Mga maaksyong eksena sa Koreanovela, parang totoo!

Mga maaksyong eksena sa Koreanovela, parang totoo!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

Siguro nga dapat ‘pag may pagka-action star ka tulad ka ng mga dancer na mabilis ang kilos at magaan ang katawan. Kasi nga up to now, ‘yung mga medyo nag-a-action sa mga Koreanovela na pinapanood ko, halos lahat singer o dancer.

Sina Lee Joon-gi, Lee Jun-ho at Jung Jin-young, ay lahat naging singer o dancer, kaya tingnan mo, ang bibilis kumilos at talagang believable ‘yung action scenes nila kahit hindi ganun kalaki ang mga katawan nila. At iyon na nga, hitsurang suntukan at walang barilan, win sa laban.

Hindi ko rin talaga maiwasang hindi humanga na sa edad nina Joon-gi at Jo In-sung na almost 40 na, kaya pa rin nilang dalhin ang rom-com, andun pa rin ang kilig eh alam mo na hindi na sila ganun kabata.

Naku, ang movie talaga, make believe, ‘yung parang ilusyon, dahil kahit na sa tunay na buhay hindi puwedeng mangyari, once na nasa big screen na, pinaniniwalaan mo na at nagagawang believable sa manonood.

By nature talaga, dreamer ang tao, gusto mo ‘yung mga bagay na hindi mo aakalaing mangyayari, binibigyan mo ng katuparan sa isipan mo, sa ilusyon mo.

Kaya gustung-gusto natin ang rom-com, ‘yung mga istorya ng inapi at bumangon, at mahirap na yumaman. Kaya buong mundo, movies at teleserye ang bongga, iyon ang escape ng tao, iyon ang kanilang dreamland, kaya forever na tayong magiging addict ng mga teleserye, hindi mamamatay ang showbiz.

Mga aso, kailangan nga ba ng swab?

Natuwa naman ako sa dami ng comments sa dog talk ko. Nalaman ko tuloy ‘yung tungkol sa bakuna for cough, pero sabi ng vet ko na si Doc John, nabigyan na raw sila ng ganung vaccines.

Grabe naman ‘yung joke na dapat ipa-swab ko baka may COVID-19, hah hah, na-tense ako ha. Pero sa totoo lang kaya nag-e-enjoy ako sa Instagram kasi nga ‘yung mga comment, talagang binabasa ko lahat, si Salve nga ang mas affected sa bashing kaya minsan gusto niyang i-off ang comment section.

Siguro nga dahil laki ako sa kalye kaya hindi ako masyadong sensitive sa mga sinasabi, naiinis nang konti lalo sa mga feeling close na close sa iyo at kilala ka kung mag-comment. Lahat I take as constructive, at least alam ko ang perception ng tao sa akin, kaya go lang, say what you want, ako na ang bahalang mag-digest how to take it.

Going back to my doggies, naku, sana gumaling na ang ubo nila noh, lagi na akong napupuyat dahil naririnig ko sa gabi, at worried na worried ako. Please, St. Francis and St. Rock, alisin mo na ang ubo nila, wawa naman sila. 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with