^
Arjo at Maine, sa speedboat nag-selebreyt!
Arjo at Maine

Arjo at Maine, sa speedboat nag-selebreyt!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

Late na nag-post ng birthday message si Arjo Atayde para sa 26th birthday ng girlfriend na si Maine Mendoza last March 3.

Kalakip ng mensahe ang picture nina Maine at Arjo sakay ng isang tila speedboat. “I just never want to stop making memories with you. I love you. Happy birthday, Bubby,” caption ni Arjo.

Nag-check kami sa comments section ng IG ni Arjo at sa totoo lang pulos positive ang nakasulat.

Naku, hayaan na lang natin sina Maine at Arjo kung maligaya sila sa isa’t isa, ‘no, wag na silang i-bash.

Pagkain at pag-inom, pinagbabawal sa pagbubukas ng mga sinehan

Nabasa namin ang isang report na pinayagan na raw magbukas ang mga sinehan na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) at general community quarantine (GCQ) simula ngayong araw na ito, March 5.

Maraming conditions at health protocols na dapat daw sundin para iwas-COVID.

Sa lugar na nasa GCQ, 25 percent lang ang capacity ng tao sa loob habang sa lugar na under MGCQ, 50 percent lang ang kapasidad ng puwedeng pumasok.

Ang masaklap pa, bawal kumain at uminom sa loob ng sinehan at one way ang entrance at exit ng tao. May social distancing pa sa mga upuan.

No wonder, may movies na may playdate nang showing ngayong buwan.

Ang problema nga lang ay kung paano maaakit ang publiko na manood ng sine. Bukod dito, makakaya bang magtiis ng halos dalawang oras ng manonood nang walang tubig at pagkain sa loob ng sinehan?

Naku, kung noong wala pang COVID, hirap na ang local producers na akitin ang manonood na panoorin ang sine at kadalasan ay malalaking foreign films lang ang pinanonood, ano pa kaya ngayong may COVID na at maraming walang regular na trabaho?

Mahirap talaga ang kalagayan ng local film industry ngayon, huh!

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with