^
Angelica, napilitang i-display ang non-showbiz boyfie
Angelica

Angelica, napilitang i-display ang non-showbiz boyfie

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - March 5, 2021 - 12:00am

Gusto sanang gawing pribado ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang kanyang lovelife lalo pa’t hindi naman taga-showbiz ang kanyang nobyo ngayon na si Gregg Homan pero alam niyang matutuwa para sa kanya ang kanyang mga kaibigan at followers kapag siya’y masaya  kaya ipinaalam niya ito sa publiko.

Si Angelica ay nagkaroon ng tatlong failed relationship sa tatlong actor na sina Carlo Aquino, Derek Ramsay at John Lloyd Cruz.

Tulad ng ibang babae, pangarap din naman ni Angelica na magkaroon ng sariling pamilya at mga anak. After all, she’s already 34.

Masaya rin para kay Angelica ang kanyang mga kaibigan at kasama na rito ang kanyang beshie from GMA, ang singer-actress na si Glaiza de Castro na engaged na sa Irish fiance nitong si David Rainey.

Aljur, suportado si Vin

Kung ang nakatatandang kapatid ni Vin Abrenica na si Aljur Abrenica ay may dalawang anak na lalake sa kanyang wife na si Kylie Padilla na sina Alas at Axl, baby girl naman ang magiging first baby ni Vin at ng kanyang fiancée na si Sophie Albert.

Ang engaged couple ay nagkaroon ng dalawang magkahiwalay na gender reveal last November para sa respective families ng dalawa and it turned out to be a girl.

Masayang-masaya sina Vin at Sophie dahil makukumpleto na ang kanilang binubuong pamilya with a new baby.

James, nabiktima ni Ryan

Na-prank ng ex-Pinoy Big Brother housemate-turned actor-host na si Ryan Bang ang kanyang kaibigan at dati ring kasamahan sa PBB house na si James Reid na kanyang pinapunta sa kanyang pag-aaring parlor, ang Moriduart Salon na matatagpuan sa Quezon City.

Bukod sa hair makeover, walang nagawa si James nang makita niya ang ca­mera para sa YouTube channel ni Ryan.

Sinabihan din ni Ryan na bumalik siya at dalhin ang kanyang pamilya maging ang ex-girlfriend o nakabalikang girlfriend nitong si Nadine Lustre at sumang-ayon naman ang singer-songwriter, record producer at actor na si James.

ANGELICA PANGANIBAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with