^

Pang Movies

Mga artistang DDS, pinapauna sa bakuna

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mga artistang DDS, pinapauna sa bakuna
Robin

Inamin ni Secretary Harry Roque na may balak nga silang maglaan ng bakuna para maiturok sa influencers, kabilang na ang mga artista para mahikayat ang publiko at maituwid ang maling paniniwala nila sa isinasaksak na bakuna laban sa COVID.

Marami kasi kahit na sa mga health worker ang tumangging magpabakuna nang malamang ang gagamitin sa kanila ay hindi ang naunang sinabing Pfizer kundi Sinovac na bigay ng China. Sinabi rin naman kasi ng FDA na iyang Sinovac ay hindi dapat isaksak sa frontliners. Pero kung may mga artista nga namang magpapasaksak baka magbago pa ang mga umayaw sa bakunang gawa sa China. Pero may stars na pumalag din at sinabing hindi siya magpapasaksak ng bakuna galing sa China.

“Subukan muna nila doon sa mga artistang DDS, sina Robin Padilla, Phillip Savador, Mocha Uson, Rodjun Cruz at iba pa. Pero kami maghihintay kami ng gusto naming bakuna, after all magbabayad naman kami,” sabi ng isang aktres.

Geneva, hindi matanggap ang may edad na

Hindi talaga pinalampas ni Geneva Cruz ang isang basher na nag-comment ng “matanda na” sa kanyang picture na ipinost sa social media account niya. Si Geneva na 43 years old na ngayon ay hindi matanggap ang ganoong comment lalo na’t nakita niyang ‘di hamak namang mas matanda sa kanya ang basher, at ano nga ba ang masama kung nag-mature na ang isang tao. Wala namang maaaring manatiling bata forever.

Isa pa, hindi pa naman matanda iyong 43. Puwede pa siyang bakunahan ng Sinovac. Eh mukhang iyong basher niya ang hindi na maaaring saksakan ng bakuna eh.

Sabi nga ni Geneva, hindi naman daw niya gustong makipagbastusan sa basher kaya lang hindi niya malaman kung ano ang motibo noon sa ganoong comment.  “Parang mali naman yatang pabayaan natin ang mga ganyan na kahit na ano sinasabi kahit na nakakasakit din siya ng damdamin ng iba,” sabi ni Geneva.

Talaga namang ang social media exposure ay parang hindi bagay sa mga celebrities na gaya ni Geneva, kasi talagang nagkalat ang bashers at hindi mo nga maiiwasan ang kabastusan. Lalo na nga kung ang artista at may pangalan, parang iyon pa ang gusto nilang bastusin.

Janella at Markus, ‘di nakalimutan si Juan Miguel

Iba rin ang ngiti ni Juan Miguel Salvador nang makita niya at makarga ang kanyang unang-unang apo, si Jude na anak ni Janella kay Markus Paterson. Kasama ni Janella sa UK ang ina at kapatid niya nang manganak siya na mayroon din ibang pamilya matapos na mahiwalay sa kanila.

Pero siyempre may karapatan naman ang tunay na lolo sa kanyang apo, at bilang respeto naman, kailangang dalhin nina Janella at Markus ang kanilang anak sa lolo noon, na siya naman nilang ginawa. Bago pa man nangyari ang lahat, naipakilala na rin ni Janella si Markus kay Juan Miguel, at ok naman iyon sa tatay niya.

Suwerte rin naman ang dalawang batang iyan dahil wala silang nakaharap na objections sa nangyari sa kanila. Siguro nga kasi, iyon ay dahil lahat naman ng usapan ay nasa ayos, at ngayon nga raw ay pinaplano na nila ang kanilang pagpapakasal, after all mayroon na silang Jude.

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with