Ruffa, balik-eskuwela
Zero pag-ibig na raw muna para kay Ruffa Gutierrez, who has just called it quits with her boyfriend of six years, Israeli businessman, Jordan Mouyal.
She will be busier than thou in the coming months, that’s why.
Bukod sa may kaagad siyang sisimulang project, after The House Arrest of Us, co-starring her with Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, balak niyang mag-aral muli this school year.
Ruffa said she was in college na when she quit studying dahil nga kumandidata siya for Miss World.
Ayaw banggitin ni Ruffa kung anong kurso ang kanyang kukunin. Basta hanga raw siya sa kanyang anak na si Lorin, that between her studies and joining the showbiz, mas pinili nito ang mag-aral.
Sa kanyang kaso raw, sa isang university sa Pilipinas siya mag-e-enrol.
Ruffa is turning 47 on her birthday June 24.
Arjo, personal na nagpaalam sa Kapamilya para makasama si Maine
Wow, Salve A., tiyak na ang guesting ni Arjo Atayde sa programang Daddy’s Gurl ng girlfriend na si Maine Mendoza. Yes, with Vic Sotto playing her dad.
Ipinakita na ang teaser ng episode na ipalalabas on March 6, Sabado, kung saan featured nga si Arjo.
Bale birthday presentation ni Maine ang episode, since she is turning 25 on March 3.
Mabuti nga raw at pinayagan si Arjo ng Kapamilya, kung saan balitang pumirma siya ng panibagong kontrata.
And did we hear it right na mismong si Arjo raw ang nakipag-usap sa Kapamilya management na payagan siyang mag-guest sa Daddy’s Gurl?
Ang pag-ibig nga naman, Salve A.
Relasyon nina Derek at Ellen, intense
Pretty intense raw, Salve A., ang relasyong namamagitan kina Derek Ramsay at Ellen Adarna.
Alam daw kaya ito ni John Lloyd Cruz, ex ni Ellen at dad ng two-year-old na si Elias, their son?
In the case raw of Andrea Torres, ex ni Derek, siya mismo ang may sabing wala nang balikang mamamagitan sa kanila ni Derek.
Tanong lang: Ba’t kaya hindi nagkakaroon ng permanenteng girlfriend si Derek?
- Latest