^
JD at Cassy, nagkasundo sa pag-i-english
JD

JD at Cassy, nagkasundo sa pag-i-english

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 26, 2021 - 12:00am

At 19 years old, maituturing nang achiever ang anak ni Manila Mayor Isko Moreno na si JD (for Joaquin) Domagoso.

Not only is he a promising actor, nagiging sought-after endorser na rin siya.

Siya ang pinakabagong mukha, wika nga, representing Bench, brand ng mga kasuotang paborito ng mga kabataang katulad niya.

Natatandaan namin na ang unang endorser ng Bench ay si Richard Gomez, da­ting aktor na ngayon ay mayor na ng Ormoc City.

May billboard na si JD for Bench na makikita sa EDSA.

Anytime soon, too, mapapanood na siya sa bago niyang soap, First Yaya, topbilled by Gabby Concepcion and Sanya Lopez, who plays the title role.

May sariling leading lady si JD sa First Yaya.

Yes, no less than Cassy Legaspi, isa sa twin nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Guess what JD and Cassy have in common nga pala?

They are both Inglesero to the max.

Gloria at Romy, may kasamang cash prize ang award

Bukod pala sa awards both na matatanggap nina Gloria Romero at Romy Vitug, photographer and cinematographer, na hanggang sa kasalukuyan ay kinikilala ang kani-kanilang achievements sa larangan ng showbiz, tatanggap pa sila ng cash prize from the Film Development Council of the Philippines, headed by Chair Liza Diño.

This will happen sa Film Ambassador’s Night, na gaganapin sa February 28, 8 p.m.

Gloria and Romy are actually just two acclaimed showbiz personalities, who will be honored. As the honorees, according to Chair Liza, numbered to 60.

“Pawang deserving sila, kumbaga, to be ho­nored,” ani Chair Liza pa. “Some of them are international awardees ever. Others, of course, are awardees ng iba’t ibang local awarding bodies.

“Kaya honored them we really should, and emulate them as well,” susog pa ni Chair Liza.

Sen. Bong, nagpasaya ng bagets

Sobra, Salve A., ang sayang idinulot ni Senator Bong Revilla sa mga mag-aaral na sina Rommel Jr. Saret Diaz, grade 8, at kapatid niya si Rochelle May, grade 7, na parehong nag-aaral sa Dasmariñas East Integrated High School, San Simon, Dasmariñas City, Cavite sa gadgets na ipinadala niya sa mga ito, through one of the members of his staff, si John Bengco.

Recipient ng kanilang sariling gadgets ang dalawang nakababatang kapatid ng dalawa na sina Jazzylyn Joy (Saret Moya) at Jessa Mae, grade 5 and 4, respectively ng Victoria Reyes Elementary Schools.

All four kids live at Block 15 Lot 8 Purok 2, Barangay Victoria Reyes, Dasmariñas, Cavite. Yes, with their lolo Lito Joriza, na nagtratrabaho sa isang tabloid.

Ayon kay Lito, the four kids’ parents are working as overseas Filipino workers (OFW).

Overwhelmed daw ang mag-asawa sa gesture ni Senator Bong, as dream nila na maibili talaga ng kani-kanilang sariling gadgets ang mga anak.

Well, may your tribe increase, Sen. Bong.

At salamat din, John Bengco.

Mayor Vico, hinahanapan ng lovelife

Vic Sotto and Coney Reyes must feel so proud of their Pasig City mayor son, Vico (Sotto), whom the US Department of State, no less, has recognized bilang isa sa buong mundong kinikilalang anti-corruption champions.

Together with 12 other individuals, US Secretary of State Anthony Blinken, awarded Mayor Vico the International Anti-Corruption Award.

Mayor Vico has been seating chief executive of Pasig City for nearly three years.

Vico is 31 years old at kasalukuyang walang lovelife.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with