^

Pang Movies

Carmina, wish na ‘wag masaktan ang kambal sa showbiz

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Carmina, wish na �wag masaktan ang kambal sa showbiz
Carmina

Wish ni Carmina Villarroel na hindi maranasan ng kambal nila ni Zoren Legaspi ang mga pinagdaanan nila sa showbiz.

Iba raw kasi ang showbiz noon kesa ngayon. Naranasan daw nila ni Zoren ang maraming insulto noong nagsisimula sila. Huwag daw sana ma-experience iyon nina Mavy at Cassy. “Bilang nanay, siyempre ayaw ko sana ma-experience nila ‘yung inaapakan sila ng ibang tao or ‘yung kinakawawa sila or ‘yung inaapi sila. Pero lagi ko naman sinasabi sa mga anak ko na always be kind, maging respectful sa lahat ng tao and ‘m proud to say na ‘yung mga anak ko kasi mababait talaga.

“They are very respectful, so alam ko na magiging okay sila, but I always tell my kids you cannot please everybody, meron at merong maiinis sa inyo, meron at merong mangba-bash sa inyo and I’m also very thankful because ‘yung mga kids ko, especially ngayon with social media you know they have their accounts, mero’n talagang ilang bashers,

“Nakakatuwa rin na makita na hindi sila apektado kung may mabasa man silang comments o post mula sa kanilang bashers. Affected lang sila ‘pag kami ang bina-bash,” sey ni Mina na kasama sa cast ng Babawiin Ko Ang Lahat sa GMA 7.

Barbie idinadawit sa isyu ni Kristoffer

Habang nagra-rant sa Twitter ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa pagpapa-interview ng kanyang ex-girlfriend at ina ng kanyang four-year old daughter na si AC Banzon, may sariling mga tweets din si AC laban sa ex-boyfriend.

Naka-lock na ang Twitter account ni AC, pero may nahanap kaming screenshots ng tweets niya laban kay Kristoffer.

Heto ang mga iyon:

“Kakainis dinifend pa kita sa Blackpink at issue ni Barbie hahahahahaha okay guys I take back. HAHAHAHA JOKE.”

“Daming sabe! Screenshots na lang oh!”

“Hahaha hiya naman ako sa interview mo na walang nakagets sa sinasabi mo hahahahaha literal na wala kaming nagets. Sabog ba u? Yung totoo hahaha!”

“Imagine pati si Taehyung na-insecure ka hahahaha ewan ko na lang ah. Nawa’y mapangasawa ko si Taehyung guys! Hahahaha”

“Pinagsasabi nito? Lasing ka na naman? Hahahaha”

Ang tinutukoy na Barbie ni AC ay si Barbie Imperial na ex-gf ng kaibigan ni Kristoffer na si Paul Salas. Diumano’y sinasaktan daw physically ni Paul si Barbie at pinagtanggol siya ni Kristoffer.

Si Taehyung naman ay ang South Korean singer na si V at isa sa vocalists ng BTS. Pinagselosan daw ito ng aktor dahil crush ito ni AC.

Ang mga naging tweets naman ni Kristoffer ay deleted na lahat. Kasalukuyang nasa Boracay ang aktor at nagbabakasyon kasama ang ilang kaibigan.

Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang sagutan ng dalawa sa Twitter. Panget daw na may ibang taong nakakabasa ng mean tweets nila sa isa’t isa. Ang maaapektuhan daw dito ay ang four-year old daughter nilang si Pre’.

Madonna, pinagmamalaki ang inampong kambal

Proud si Madonna sa inampon niyang twin girls from Malawi na sina Estelle at Stella. Sa edad na eight, matatalino ang mga ito at honor students. Magaling din daw silang magsalita ng ibang language.

Pinost ng singer ang isang video sa Instagram na fluent sa French language ang isa sa kambal na si Estelle. “Have you met my other daughter Estelle from Paris??” caption pa ni Madonna.

Very protective si Madonna sa kanyang anim na anak. Inamin niya na parati siyang kinakabahan kapag wala sa tabi niya ang mga anak niya. “As a mother, you feel protective and responsible for all of the children in the world. It’s really scary to me that the once-safe spaces where we gather, worship and learn are targets. Nobody’s safe. So of course, as a mother, I actually feel the worry.”

Ang panganay ni Madonna na si Lola (24) ay may sarili nang apartment sa New York. Ang second niya na si Rocco (20) ay minsan nasa kanya at minsan ay nasa ama nitong si Guy Ritchie sa London. Ang adopted kids niyang sina David (15), Mercy (15) at ang twins ay kasama niya sa kanyang bahay sa Lisbon, Portugal.

vuukle comment

CARMINA VILLARROEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with