Bea at Julia may nagaganap na kompetisyon!

Uy may nagaganap nga bang tapatan sa ‘publicity’ sina Julia Barretto and Bea Alonzo?

Matapos mag-trending ang music video ng Paubaya ni Moira featuring Julia and Joshua Garcia na as of yesterday ay may 14 million views na sa YT at 1 million likes in three days, bukod pa raw sa most played OPM sa Spotify at Apple Music, naglabas ng statement ang camp ni Bea denying na may gagawin silang programa sa TV5  ni John Lloyd Cruz for Brightlight Productions na pinag-usapan din naman though hindi nag-trending tulad ng mga eksena nina Julia at Joshua sa Paubaya na nagpa-trend pa sa kanila individually.

Pero ayaw magsalita ng kampo ni Bea tungol sa movie nila ni Alden Richards. Dini-deny daw ng GMA na nag-start na sila ng lock-in shooting para sa local adaptation ng isang Korean movie.

Lately ay super active si Julia sa YT at in all fairness, ganundin si Bea.

So talagang tuloy ang kompetisyon nila? Kumusta kaya si Gerald Anderson?

Hanggang ngayon ay walang official declaration sina Julia at Gerald na sila na nga after Bea and Gerald.

Show comments