^

Pang Movies

Kilalang aktres na maraming Hermes, laging may lamang ahas ang bag

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Totoo kaya ang nasagap naming kuwento tungkol sa kilalang aktres na nakakatakot holdapin or agawan ng Hermes bag dahil may laman daw itong alagang ahas na nagbabantay ng kanyang mga datung.

Well, kung mauuso ito, tiyak na mababawasan na ang holdapan dahil matatakot ang magnanakaw na matuklaw ng alaga nito.

Celia, may bilin sa mga baguhang artista

Sa minsang pakikipagtsikan namin kay Ms. Celia Rodriguez na gumaganap bilang lola ni Kate Valdez sa seryeng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, nagbigay siya ng payo sa mga nag-aartista lalo na sa mga baguhan.

Ayon kay Ms. Celia, huwag daw lalabas ng bahay ang isang artista kapag hindi nakabihis nang maayos. Huwag na huwag din daw lalabas nang naka-kamiseta o sando lang. Lagi raw tatandaan ng mga artista na dapat laging maging glamorosa sa paningin ng fans kahit walang pera.

Well, dapat nga naman silang mag-ingat sa kanilang mga galaw dahil mabilis nang kumalat ang mga litrato o video ngayon sa social media lalo na kung may pinoprotektahan silang imahe.

Amanda, nahirapang mamigay ng tikoy

Nami-miss daw ng aktres na si Amanda Amores ang nakagawiang pamimigay ng tikoy tuwing Chinese New Year ng husband niyang si Konsehal Richard Yu. Bilang pagse-share nila ng blessings, every year nila itong ginagawa pero ngayong umatake ang COVID, nahirapan silang gawin ito.

Bilang lady president ng Barangay Women’s Association ng Sto. Domingo, marami rin siyang inaabutan ng tikoy tuwing Chinese New Year.

Sa ngayon ay abala rin si Amanda sa pagiging plantita dahil nakakaalis daw ng stress ang pag-aalaga sa mga halaman.

CELIA RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with