^

Inigo, aprubado ng Air Supply

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 12, 2021 - 12:00am

Kararating lang ni Inigo Pascual from California, USA, where he visited his family on his mother’s side, when he joined Air Supply’s (yes, the international rock duo), which have been popular since 1975, Zoom presscon, organized by ABS-CBN yesterday.

Present were Lord Graham at Russell Hitchcock, plus music producer Moophs.

May Valentine concert pala online ang Air Supply, which will, however, be streamed dito sa Pilipinas, February 15.

Of Inigo’s presence sa presscon ng Air Supply, he will be releasing his album, na ang isa sa mga awiting kasama ay ang All Out Of Love, isa sa mga paboritong awitin din ng kanyang amang si Piolo Pascual, ani Inigo.

In any case, naririnig na raw ng Air Supply ang version ni Inigo ng All Out Of Love, at thumbs up sila.

Naging kasing-guwapo na rin ni Inigo ang kanyang ama, when Piolo was his age.

Inigo is 23 years old.

Kris, inaabangan ang pamumudmod ng pera

Matuloy kaya, Salve A., ang balak ni Kris Aquino na mamumudmod daw ng ayuda, yes, in cash, on her 50th birthday on February 14?

Wow, magkano naman kaya per recipient?

Well, kung sabagay, ang isang nangangailangan has no choice. At sino ang hindi nangangailangan ng tulong sa kasaluku­yan? At lalo’t kumbaga, galing ito sa puso.

Happy Valentine’s day.

Cristine, may bagong dyowa

Just like her Ate Ara (Mina), who is currently in love and may soon marry her boyfriend, Dave Almarinez, may bago ring pag-ibig si Cristine Reyes, na ang pangalan naman ay Harvey Michael Alumisan.

Tulad din ni Ara, na may anak sa Bulacan Mayor na si Patrick Meneses, six years old, Amanda Gabrielle, may anak din si Cristine with her former foreigner husband, Ali Khatibi, who misses na raw his daughter very much. The young girl’s name is Amarah at five years old lang ito.

While walang project na kasalukuyang ginagawa si Cristine, si Ara ay kasali controversial digital movie, Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, co-starring her with Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Roces.

Regine at Ogie, naudlot din ang date

Tiyak nang hindi matutuloy ang Valentine’s day concert ni Regine Velasquez, yes on February 14 exactly sana, titled Freedom.

Neither do magkakaroon din ng Valentine date sila ng asawang si Ogie Alcasid, na nakaugalian na raw nila taun-taon, since they became husband and wife, 10 years ago.

Ang dahilan na, actually,­ common knowledge na, kasa­lukuyang naka-quarantine si Regine.

Nagkaroon daw si Regine ng agam-agam na baka mag­ka-COVID-19 siya, since na-­exposed daw siya sa isang taong positive na nagka-COVID, kaya upon the advise raw ng kanilang doctor, nag-quarantine na siya.

Ganunpaman, hopeful daw ang Asia’s Songbird na matutuloy pa rin ang kanyang Freedom concert anytime soon.

INIGO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with