GMA walang planong patusin ang mahal na talent fee ni Maja Salvador

Wala pa namang linaw kung kinokonsidera ng GMA Artist Center (GMAAC) na maging Kapuso si Maja Salavador gaya ng kumakalat na balita.

Magaling umarte at sumayaw si Maja. Eh sa dami ng dati at baguhang contract artists ng GMAAC, may puwang pa ba ang isang Maja Salvador?

Puwede namang diskubrehin ang ibang talents na hindi pa nabibigyan ng break, huh!

Eh sa Janine Gutierrez nga, pinakawalan ng Artist Center. Something must be wrong kaya goodbye na siya.

Saka ‘di ba, mahal ang talent fee ni Maja, Salve A.? Hindi nga siya nakatulong upang lumarga nang husto sa TV ang TV5 Sunday show, ‘di ba?

Bahay ni Derek, 11 ang aircon

Grabe ang bilang ng airconditioners sa bahay ni Derek Ramsay – labing-isa o eleven!

Pinasalamatan ni Derek ang kumpanyang naglinis ng aircon sa bahay. Nalula siya sa bilis dahil natapos nila ang paglilinis sa 11 units sa loob ng isang araw, huh!

Eh mayaman ‘yung tao at gustong maging komportable sa buhay kaya walang basagan ng trip!

Nakakaintriga kung ilan ang kuwarto sa mansion ni Derek! Malamig na nga ang panahon, doble ang lamig pa kina Derek!

Show comments