Derek at Ellen, ‘di na nagtatago!

Abangers ang publiko at netizens kung ano ang real score kina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Nagkalat kasi ang pictures nina Derek at Ramsay na chummy-chummy at may pakelya na sweet sa isa’t isa kaya naman tanungan ang netizens ano ang real score sa dalawa.

Of course, sa nakakakilala kay Derek, alam nila kung ano ang nasa puso nito, huh! Binata naman siya at dalaga si Ellen, so magkagustuhan man sila eh, kapwa wala silang sabit!

Eh si Derek, hindi niya maitatago kung may bago siyang babae ngayon, huh!

Sa Bitag nAg-umpisa...

Tatay na ang Kapuso actor na si Mark Herras!

Nanganak na si Nicole Donesa.

Unang nagsama sa Kapuso series na Bitag sina Mark at Nicole. June 2020 ang engagement nila at September 2020 nang inilabas nila na buntis si Nicole.

Ilan sa celebrities na bumati sa showbiz couple ay sina Rocco Nacino, Yasmien Kurdi, Mike Tan at iba pa.

Show comments