^
Luis at Jessy, nangakong manggugulat sa kasal
Luis at Jessy

Luis at Jessy, nangakong manggugulat sa kasal

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 1, 2021 - 12:00am

Sino kaya sa dalawang engaged showbiz couple ang mauunang magpakasal? Halos magkasunod na nagpakita ng kani-kanilang engagement video si Kapuso actress Glaiza de Castro with Irish fiancé David Rainey, shot in Ireland. Sina Luis Manzano at Jessy Mendiola naman ay kasama ang kanilang glam team na nag-shoot ng kanilang video sa paborito nilang lugar, ang Amanpulo Luxury Resort in Palawan.

Nakabalik na si Glaiza sa bansa pagkatapos ng one month vacation sa Ireland with the family of David at doon nga naganap ang kanilang engagement.  Now that she’s back, natanong na si Glaiza kung kailan daw naman magaganap ang wedding? “Wala pa ka­ming date of wedding, pero napagplanuhan na namin na dalawang beses kaming magpapakasal,” sagot ni Glaiza sa interview sa Chika Minute ng 24 Oras. “Isa rito at isa sa Ireland. Iyon ay para parehong maka-attend ang respective family namin. Sa panahon natin ngayon, mahirap ang magbiyahe sa ibang bansa, isa pa, hindi allowed ngayon ang foreigners na pumunta sa Pilipinas. Gagawin ko muna ang bago kong project sa GMA Network, ang Nagbabagang Luha, with Rayver Cruz.”

Favorite vacation place nga nina Luis at Jessy ang Amanpulo at doon nila sure gagawin ang kanilang wedding, pero wala pa rin silang sinabi kung kailan ang kasal. Post lamang ni Jessy, “Soon! Soon than you expected!”

Richard, pinatunayang puwede sa comedy

Matutupad na ba ang wish ng bagong Kapuso actor na si Ri­chard Yap, na makatambal niya si Kapuso actress Heart Evangelista? Nang tanungin kasi si Richard nang bago pa lamang siyang lipat sa GMA Network, kung sinu-sino ang mga artistang gusto niyang makatrabaho doon, isa sa mga binanggit niya ay si Heart.

Ngayon nga ay nababalitang si Richard ang makakatambal ni Heart sa bago nitong weekly series na I Left My Heart In Sorsogon, na isu-shoot sa Sorsogon in Bicol na ang husband niyang si Chiz Escudero ang governor doon. Nang lumabas ang balita sa bagong show ni Heart, wala pang sinabi kung sino ang makakatambal niya, kaya ngayon ay malalaman natin kung totoong si Richard ang magiging leading man niya.

Sa ngayon ay sunud-sunod ang TV guestings ni Richard sa mga shows ng GMA na iba-iba ang genre.

JESSY MENDIOLA LUIS MANZANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with