^

Negosyanteng Koreano, biktima ng mga scammer

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 28, 2021 - 12:00am

Kawawa naman ‘yung Korean friend ni Joey Santos ng stem cell therapy.

Imagine, merong isang Pilipino na nag-convince na magdala siya ng Korean products dito para tulungang ibenta sa market, tapos niloloko siya sa pera.

Now, nabitin ang lahat ng pera ng Koreanong negosyante, at ang products niya na mukha namang maganda at mahusay dahil bigla siyang tinakbuhan ng kausap, buti na nga lang at tinutulungan siya ng negosyante ring si Joey Santos.

Sana nga ay makapasok sa Ultramega Supermarket ni Mang Erning Lim para kahit consignment ay mailagay ang produkto sa market.

Nakakahiya naman dahil imagine nagtiwala ‘yung Koreano sa Pilipino na kausap tapos ito ang nangyari.

Sana nga maging matagumpay ‘yung deal nina Joey Santos at Mang Er­ning Lim para magamit na sa market ang KPop soap at Remit mongo beans shampoo.

Share your blessings…

Alam mo ba, Salve, na bongga si Chanel, ang partner ni Allan K sa KOBAN Japanese resto niya sa Morato?

Give niya ako ng authentic Japanese Kimono at parasol. Tapos pagdating ko sa bahay, ‘yung padala ni Atty. Ferdie Topacio na mga sabon at alcohol naman ang dinatnan ko na talagang basic needs natin ngayong pandemic.

At ‘di ba pansin mo ang aking Balmain hood shirt na give ni Ronite ng dpersonalshopper, naku ano ba iyan, kaloka, raining ang blessing na naman on pandemic mode. Hah hah, lahat ng iyan, Salve, dumarating nang hindi hinihingi ha, basta lang type nila akong bigyan.

Hindi naman siguro masama na mag-appreciate ako at mag-thank you sa IG ko dahil space ko naman ito, ‘yung followers ko naman siguro will allow me to say thank you dahil talaga namang sobra akong nata-touch kahit sa small things lang.

Siguro isang bagay din na napansin ko basta open ka ring magbigay, at you pay forward sa mga kabutihan na natanggap mo, totoo ‘yung kasabihan, what you reap is what you sow, ‘yung kung ano ang ginawa mo, iyon din ang gagawin sa iyo. 

Imposible sa life na ito na pulos kabig ka at wala kang bigay o share sa iba.

SCAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with