^

Komedyanteng mahilig manood ng porn, sinibak sa lock-in

Gorgy Rula (Pang-masa) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang dami na nga talagang kababalaghang nagaganap kapag nasa loob ng lock-in taping. Kung anu-anong kuwentong nasasagap na ginagawa ng ilang artista dahil na rin siguro wala na silang magawa pagkatapos ng taping.

Maaga na rin kasi silang natatapos at kapag hindi pa nagpapahinga, kung anu-anong naiisip ng iba para lang maaliw sa loob ng lugar na pinagteypingan.

Kagaya ng komedyanteng ito, wala siyang pakialam na minsan may mga babae pang nakikinig o nakakakita sa panonood niya ng porno sa set.

Parang ipinagmamalaki pa niyang sini-share sa ibang co-actors na siguro pinakikisamahan lang din siya. Pero may mga babaeng kasama sa set na naririnig ang porno na pinapanood niya.

Hindi nakatiis ang isang magaling na aktres na bahagi sa taping ng weekly show na iyon, ipinarating na niya sa bosses kaya pinagsabihan na itong si komedyante. Pero ewan ko lang kung natural lang sa kanya ang kabastusan, parang ipinagmamalaki pa niya ang pinapanood niya minsan sa ilang kinakaibigang aktor.

Nairita na ang production staff, tinanggal na lang siya at hindi na pinabalik sa susunod na batch ng lock-in taping.

Jolo, bilib na bilib kay Angelica

Likas na mahiyain daw talaga ang mga anak nina dating Sen. Jinggoy Estrada at Precy Ejercito, pero hindi rin maiwasan ang kaway ng showbiz kaya pinasok na rin nila ito.

Noong nakaraang Sabado lang ay pumirma na ang pangalawang anak nina Jinggoy at Precy sa LVD Management ni Leo Dominguez  at nilinaw ni Leo na talagang siya ang nagkumbinsing pasukin ni Jolo ang pag-aartista.

Nasubukan na ni Jolo na mag-artista noon, na kung saan bahagi siya sa pelikulang Ang Tatay Kong Sexy nina Sen. Jinggoy at Maja Salvador. Pero nag-focus na si Jolo sa negosyo at kamakailan lang ay may itinayo pa siyang boxing gym sa may Pasig, ang Ultrabox na kung saan ka-partner niya rito ang ilang kaibigan din sa showbiz.

Hanggang, nakumbinsi na rin ni Leo si Jolo sa tulong ng bestfriend nilang si Bernard Cloma. Kaya sinuportahan naman ito nina Sen. Jinggoy at Precy.

Sabi naman ni Precy, nasa tamang edad na si Jolo kaya kung ano ang desisyon nito sa kanyang showbiz career ay nandiyan lang sila para sumuporta.

Ang ganda ng katawan ni Jolo kaya proud ito na puwede niyang ipakita sa mga future projects niya. Swak sila ni Ivana Alawi na type rin daw sana niyang maka-partner. Bagay sa kanila ang isang sexy project, dahil okay naman daw siya sa daring roles. Okay din si Jolo na mag-topless pero kung kinakailangang maghubad o baka umabot sa butt exposure, gagawin kaya niya? “Titingnan natin kung mabibigyan ng role na ganun,” tipid na sagot ni Jolo nang humarap siya sa mga kaibigang movie press sa Victorino’s restaurant noong nakaraang Sabado ng tanghali.

Pero ang isa pa raw sa wish niyang makasama sa isang project ay si Angelica Panganiban na isa sa hinahangaan niyang aktres. Sinabi nga naming parang mas matured naman si Angelica para sa kanya. “Kasi, napakagaling, napakahusay na aktres,” pakli niya. “Yes, she’s much older, but she’s a lot more experienced also than me. I saw her when I was a kid pa, nasa TV na siya, ang dami niyang role na ginanapan.

“And all the roles, kayang-kaya niya lahat, e. So, magaling talagang artista. Gusto ko sana, matuto... doon sa mga experience niya,” sabi pa ni Jolo na okay sa kanya ang screen name na Jolo Estrada at hindi na muna gamitin ang Ejercito. 

PORN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with