^
Brightlight nagbigay ng pag-asa, nakakahinayang kung âdi na magpo-produce
Albee Benitez at John Lloyd Cruz

Brightlight nagbigay ng pag-asa, nakakahinayang kung ‘di na magpo-produce

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

Nakakapanghinayang isipin na ang isang successful businessman na tulad ni Papa Albee Benitez ay mawalan agad ng interest kung sakali sa pag-produce ng TV shows o pelikula. Imagine na meron siyang sapat na resources at manpower para magtagumpay, sapat na patience para hindi magmadali sa resulta ng kanyang investment, kaya sana huwag siyang mawalan ng interest dahil kailangan ng industriya ang isang investor na tulad niya.

Sa loob ng five months, nakapagbigay siya ng pag-asa sa showbiz. Malaking kawalan kung iiwan ni Papa Albee ang production. Kaya naman dapat gamitin ni Pat-P Daza ang lahat ng charms niya para ma-convince na patuloy na mag-produce si Papa Albee.

It will be a big lost kung biglang mawala ang Brightlight Productions dahil nagbigay ito ng makinang na liwanag sa pagpasok sa showbiz.

It’s more fun in the Ph…

Mukhang ang bagong pasyalan ngayon ‘pag weekend ay ang Tagaytay. Sina Pat-P at Faye parehong naroon last weekend to enjoy the windy city, at siguro nag-buy ng mga gulay at beef para sa bulalo.

Talagang ‘pag gusto mong mag-unwind, either go ka ng Baguio o Tagaytay.

Kasama rin ang Boracay kung medyo mahaba ang araw mo ng bakasyon. Now more than ever, talagang dapat i-enjoy ang mga local scenery dahil nga ang dami nang hindi puwedeng puntahan dahil sa health protocols.

Plus bakit ka pa pupunta sa iba, eh ang ganda ng Pilipinas, mula nang tutukan nang husto ni Sec. Berna Romulo-Puyat ang mga lugar para sa turista.

Talagang totoo ang slogan, it’s more fun in the Philippines, it is really more enjoyable na rito sa atin tayo maglibot at mag-enjoy. Marami nang magagandang hotels, maganda na ang daan, accessible sa lahat ang pagpunta, at ngayon naman mukhang ok na ang security sa mga lugar na puntahan kaya hindi na matatakot pa ang magpupunta rito.

ALBEE BENITEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with