^
KathNiel, kuntento muna sa pagiging bridesmaid and groomsman
KathNiel

KathNiel, kuntento muna sa pagiging bridesmaid and groomsman

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - January 15, 2021 - 12:00am

Dahil usung-uso nga ngayon ang engagement at kasalan, muli ay natanong na naman sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kung sila na ba ang susunod matapos ma-engage ang mga kaibigan nilang sina former Pinoy Big Brother housemate Patrick Sugui and social media influencer Aeriel Garcia.

Pero ayon kay Daniel, hindi naman daw puwedeng biglain ang ganitong bagay at kailangan ay nakaplano. “Hindi namin puwedeng biglain ‘yung mga ganyang bagay. Sa amin ha? Siyempre iba-iba naman ang trip ng lahat. Pero kami kasi parang nakaplano ‘yun, nakalista ‘yung mga dapat naming gawin para hindi rin kami ma-rattle sa mga decision na gagawin namin,” pahayag ni Daniel sa Zoom conference nila ni Kathryn.

Dagdag pa ni DJ (palayaw ni Daniel), “kapag binigla n:yo ‘yung isa’t isa, doon papasok ang mga problema. Kapag masyadong biglaan ang mga bagay, baka du’n kami biglang magkaproblema. Nilalatag muna namin ang mga bagay, pinaplano namin.”

Ayon naman kay Kathryn, for now ay kuntento na lang daw muna silang maging bridesmaid at groomsman. “Chill muna tayo. May mga kaibigan kaming engaged. Duty namin maging best bridesmaid and groomsman muna. Iba rin naman ‘yung age namin sa kanila. Like what DJ said kanina, iba-iba tayo ng timing lahat. Kami siguro komportable kami na bago tumalon sa ganyang klaseng buhay, kailangan ready kami. Ayaw namin na masira ‘yung relationship just because hindi kami ready pareho,” sey ni Kathryn.

Pero pareho naman silang naniniwala na natagpuan na nila sa isa’t isa ang “the one.” Ayon kay Daniel, Kathryn makes him a better person at sabi naman ng aktres, hindi raw niya ma-imagine ang future niya without DJ.

Asked kung ready na ba silang magsama sa isang bahay, ayon kay Daniel ay kailangan muna nilang magpakasal bago nila gawin ito. “Hindi pa siguro, hindi pa kami handa magsama sa isang bahay. Magpapakasal muna kami saka kami magsasama sa isang bahay dahil si Kathryn nandiyan pa si Lhexine (pamangkin ng aktres), bata pa si Lhexine. Siya ang ate nu’n. Binabantayan niya pa.

“Ako naman, nandiyan pa ‘yung mga kapatid kong babaita na binabantayan ko pa rin. Marami pa kaming mga bantayang magaganap. Magpapakasal muna kami,” he said.

DANIEL PADILLA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with