^

Iya at Chef Jose, masusubukan sa pagluluto

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - January 9, 2021 - 12:00am

Nakatikim na ang actor-chef na si Jose Sarasola ng chicken sashimi dahil sa Japanese girlfriend-actress niyang si Maria Ozawa.

Para kay Jose, ‘yun na ang pinaka-exotic food na natikman niya. Nakausap ng entertainment press si Chef Jose sa virtual presscon ng cooking show nila ni Iya Villania na Eat Well, Live Well, Stay Well.

Every Friday ito mapapanood sa Kapuso Network bago mag-Eat Bulaga. Katuwang ng GMA ang Ajinomoto Philippines sa programa.

Para naman kay Iya, ang gulay na okra ang itinutu­ring niyang pinaka-exotic food dahil sa katas nitong malapot.

Sa show, reunited sina Iya at Chef Jose na nagkasama na rin sa isang cooking show sa Kapamilya Network noon.

Mom of three si Iya habang long distance relationship naman si Chef Jose kay Maria na nasa Japan ngayon.

Carla at Rafael, nanalong Most Favorite Foreign Actress/Actor sa Vietnam

Wagi sina Carla Abellana at Rafael Rosell sa 7th Face of the Year Awards sa Vietnam na ginanap sa Saigon Opera House last January 6.

Most Favorite Foreign Actress ang napanalunan ni Carla habang Most Favorite Foreign Actor si Rafael dahil sa performance nila sa Kapuso romantic-comedy na Because of You.

Ang Because of You naman ang tinanghal na Most Favorite Foreign Drama series. Second time na ni Carla na mapanalunan ang same award. Una siyang nagwagi sa same category sa 2014 GMA drama series na My Destiny.

Congratulations, Carla and Rafael!

JOSE SARASOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with