_pang-masa
^

Pang Movies

Sen. Sotto, nag-file ng bill para sa franchise ng ABS-CBN!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sen. Sotto, nag-file ng bill para sa franchise ng ABS-CBN!
Sen. Sotto

Hmm parang magkakatotoo ang sinabi ni Cong. Lito Atienza na magkakaroon ng franchise ang ABS-CBN ngayong taon.

Kahapon nga ay nag-file ng bill si Senate President Tito Sotto – SB1967 – para sa renewal ng franchise ng network. “I noticed the TV stations have been replacing their news programs with ­animes. It means competition is absent and medio­crity is creeping in because of the absence of a strong competitor like ABS-CBN,” ayon kay tito Sen.

Ganito rin ang sinabi ni Sen. Joel Villanueva.

Si Sen. Grace Poe naman ay nag-tweet ng ­“Given the crippling effects of the ABS-CBN shutdown and the need for more news outlets with the widest reach during the raging pandemic, the issue will be given utmost priority as soon as it is referred to the Committee on Public Service.”

Kahapon din ay nagsabi si House deputy speaker and Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto magpa-file rin siya ng bill para sa franchise ng network.

Julia dinisplay ang braso ni Gerald?!

Issue na agad sa social media ang latest post ni Julia Barretto na may hawak na aso habang nasa Range Rover car na kita ang braso ng driver.

Ang assumption agad, si Gerald Anderson ‘yun, kasi mabalahibo ang braso.

Hahaha. Dyowa reveal na raw.

Na feeling ko ay ini-enjoy na lang nina Gerald and Julia dahil every move nila ay may issue.

Joseph Morong, papalit sa Stand For Truth!

Si Joseph Morong na ang bagong host ng Stand For Truth (SFT) simula kahapon, Jan. 4.

Sa teaser pa lang sa Facebook page ng SFT nitong Linggo kung saan pinahulaan kung sino ang bagong host ng pioneering mobile journalism newscast, mainit na ang naging pagtanggap ng netizens kay Joseph. Well-deserved daw ng veteran Kapuso reporter ang bagong hosting duties na ito.

Kilala si Joseph bilang isa sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps o ‘yung mga reporter na nagko-cover sa mga press briefing ng Malacañang. Tumatak din si Joseph sa mga manonood bilang isa sa mga kabatuhan ni Jessica Soho ng tanong kapag nagre-report siya sa State of the Nation. Naging kadikit din ng pangalan ni Joseph ang “Fact or Fake” dahil na rin sa online show na may same title kung saan sinusuri niya kung ang isang news item ay fact or fake news. Marami ring followers si Joseph sa social media kaya naman swak na swak rin siya sa online newscast ng Kapuso Network.

Mapapanood siya sa Stand For Truth tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, 9 p.m. sa official Facebook page ng programa at sa GMA News and Public Affairs YouTube channel.

ABS-CBN LITO ATIENZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with