^

Pang Movies

2020 naging makulay sa showbiz

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Ilang araw na lamang ang bibilangin at magtatapos na naman ang taong kasalukuyan para salubungin ang bagong taong papasok – ang 2021.

Naging very challenging para sa lahat (hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo) ang taong 2020 dahil sa napakaraming pagsubok.

Sa Pilipinas, sinimulan ang taong 2020 sa pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas na naging sanhi ng pagkasira ng mga kabahayan,  infrastructures at kabuhayan ng mga tao sa mga karatig lugar.

It was in December 2019 nang unang mapabalita ang kakaibang coronavirus na nagsimula sa Wuhan, China na agad kumalat sa iba’t ibang bansa na kumitil ng mahigit 1.7million plus na buhay (and growing) na pinangungunahan ng Amerika with over 325 death toll kasunod ang India, Brazil, Russia, France at iba pang mga bansa.

Ang mapaminsalang Covid-19 ay naging daan hindi lamang ng pagkasawi ng napakaraming tao sa buong mundo including frontliners and medical workers, ito rin ang naging daan ng pagsasara ng maraming business establishments at pagkawala ng trabaho ng milyun-milyong workers both here and abroad.

Sa coronavirus Covid-19 pa lamang ay dapang-dapa na ang ekonomiya sa buong mundo. Pero sa kabila ng hirap na pinagdadaanan ngayon ng mga Pinoy dahil sa Covid-19 at sunud-sunod na mga kalamidad, ang pagiging resilient ng mga tao ay siyang dahilan kung bakit unti-unting bumabangon ang lahat.

Sa pagtatapos ng taong 2020, looking forward ang mga Pinoy sa mas maganda at mas maliwanag na bagong taon.

Simulan natin ang buwan-buwang kaganapan ng taong 2020.

Simulan ng singer-actress-host and celebrity endorser na si Solenn Heussaff ang pagsilang ng kanyang unang supling with her Argentinian husband na si Nico Bolzico na si Thylane Katana na isinilang noong January 1.

January 10 naman nang magpakasal sa simbahan (Caleruega Church) in Batangas and 2013 Miss World-turned Kapuso actress na si Megan Young sa Kapuso actor-host na si Mikael Daez. Two days later nung January 12 ay sumabog ang Bulkang Taal in Batangas.

January 14 nang sumakabilang-buhay ang veteran broadcast journalist na si Twink Macaraeg na sinundan ng OPM exponent na si Dennis Garcia ng Hotdog noong January 18. Nung January 20 ay isinilang naman ang first baby ng controversial actor na si Baron Geisler at Cebuana wife nitong si Jamie Evangelista na si Talitha Cumi na ipinanganak sa Chong Hua Hospital in Cebu City kung saan din nagsilang ang actress na si Ellen Adarna sa anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto noong June 27, 2018.

Fifteen days matapos ang kanilang intimate church wedding in Batangas, mu­ling nagpakasal sina Megan at Mikael sa San Roque Church in Subic, Zambales kung saan na nila kasama ang kanilang respective families and close friends.

January 26 nang mag-crash ang sinasakyang helicopter ng basketball icon sa Amerika na si Kobe Bryant kasama ang kanyang anak na si Gianna at pitong iba pang kasama sa isang bahagi ng California, USA.

February 2 nang sumakabilang-buhay ang veteran actor na si Robert Miller dahil sa prostate cancer.  He was 73.  Ito’y sinundan ni Fr. Fernando Suarez, ang tinaguriang `The Healing Priest’ who died at age 52.

Nung February 6, Kapuso actress Kris Bernal got engaged sa kanyang chef-businessman fiancé na si Perry Choi.  Ito’y sinundan ng kauna-unahang celebrity wedding of the year, ang garden wedding ng mga Kapuso talent na sina Joyce Pring at Juancho Trivino na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza.

Noong February 14, araw ng mga puso ay sumakabilang-buhay ang ating kaibigan at kasamahan sa panulat, ang veteran entertainment writer na si Ate Nene Riego.  On same day ay isinilang naman ng singer-comedian na si Ethel Booba ang kanyang first baby na si Michaela sa kanyang non-showbiz partner na si Jessie Salazar.

Of course, paano makakalimutan ang February 20, 2020 controversial secret wedding ng Pop superstar na si Sarah Geronimo at singer-actor-entrepreneur na si Matteo Guidicelli?  Nagpakasal ang dalawa nang walang kaalam-alam ang parents at family ni Sarah kaya nagwala ang kanyang ina na si Mommy Divine Geronimo.  Habang sinusulat namin ang kolum na ito ay hindi pa rin nagkakaayos sina Sarah at Matteo with Sarah’s parents.

Ang aming pagbati ang maligaya at mapayapang Pasko sa lahat.

(to be continued)

vuukle comment

CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with