^

Pang Movies

Patricia, ipapasa na ang korona

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Isa ang singer-comedian at host na si Giselle Sanchez sa mga matunog na kandidata sa nalalapit na coronation day ng ikalawang taon ng Noble Queen of the Universe 2020 kung saan ang singer-actress-entrepreneur na si Patricia Javier ang outgoing queen. Kasama rin sa mga kandidata sa taong ito ang American model-equestrienne na si Megan Camaisa ng Southern California, USA, si Janeen Streetman ng West Coast, USA, Aditi ng India at iba pa.

Ang Noble Queen of the Universe 2020 ay mapapanood sa December 20 (Sunday) at 10 a.m. sa Pinoy Xtreme channel, Sky Cable 217, Destiny 84, Cignal 108 at sa Cable link 59 Fox Channel.

Samantala, it was a challenging but fruitful year-long reign bilang kauna-unahang Noble Queen of the Universe para kay Patricia lalo pa’t most of the year ay nasa gitna ang buong mundo ng pandemya. Pero mas lalo niyang na-appreciate ang ginagawa niyang pagtulong at kawanggawa sa mga nangangailangan na ipagpapatuloy umano niya kahit maipasa na niya sa iba ang korona.

“Adbokasiya na namin ni Doc Rob (Walcher, her husband) ang health and wellness kaya tuloy pa rin ito,” ani Patricia.

Samantala, inamin sa amin ng chiropractic doctor na si Doc Rob na hindi umano niya pinanood ang mga sexy films noon ng kanyang wife na si Patricia. Nauunawaan umano niya ang trabaho ng kanyang misis bilang aktres at singer at supportive umano siya rito pero hindi niya makakayanang panoorin ang mga ginawang sexy movies ng kanyang wife noong araw.

Sa darating na December 27 ay magsi-celebrate ng kanilang ika-15th year wedding anniversary ang mag-asawang Patricia at Doc Rob na meron nang dalawang anak, sina Robert (13) at Ryan (11).

Luis at Jessy, may gustong kalimutan sa 2021

Hindi aware ang marami na may pinagdaanang problema ang engaged couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na nauwi sa kanilang pansamantalang breakup noong nakaraang May.

Ang buong akala ng actress-host ay tuluyan na silang magkakahiwalay ni Luis pero hindi ito hinayaan ng huli na mauwi sa wala ang apat na taon nilang relasyon.

Sa personal vlog ni Jessy kung saan kasama niya si Luis, hindi nito napigilan ang maging emotional dahil sa ilang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay at kasama na rito ang hindi magandang paghihiwalay nila ng isang kaibigang jeweler at ang nawalang excitement, momentum at milestone ng proposal sa kanya ni Luis dahil sa kanyang kaibigang ito who she said, preempted the proposal.

Gusto na ni Jessy na kalimutan na ang hindi magagandang nangyari ngayong 2020 at harapin ang taong 2021 sa positibong pananaw.

Although hindi pa nagsi-share ang engaged couple ng petsa at lugar ng kanilang kasal sa isang taon, mangyayari umano ito sa isang beach dahil pareho silang beach lover ni Luis. Gusto rin nila itong gawing intimate and private na res­pective families and close friends lamang nila ang dadalo.

Si Jessy ay nag-celebrate ng kanyang ika-28th birthday kasama si Luis sa Amanpulo, Palawan noong nakaraang December 3. Si Luis ay magpu-40 years old on April 21, 2021. Hindi naman kaya itaon ng couple ang kanilang kasal sa kaarawan mismo ni Luis. Ano sa palagay mo, Salve A.?

vuukle comment

PATRICIA JAVIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with