^

Pang Movies

Apo ni Mother Lily, double summa cum laude

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Proud lola si Mother Lily Monteverde sa achievement ng apo niyang si Matthew Grant, anak ni Dondon at Grace Monteverde.

Aba, double summa cum laude si Matthew nang magtapos siya ng kursong Business Administration na may double degree sa kursong Technology Management and Sustainability Management sa Enderun Colleges sa Taguig.

Sa virtual commencement ceremony last December 12, tinanggap ni Matthew ang karangalan sa harap ng kanyang Lolo Remy at Lola Lily.

“I am very proud of what may grand son has achieved despite the pandemic, his dedication is commendable. To graduate with summa cum laude honor is already exemplary but he did get 2 summa cum laude honors at the same time, that for me is needed REGAL. Cheers,” saad ni Mother sa isang interview.

Congrats, Matthew, to your parents, Dondon and Grace, and of course, Father Remy and Mother Lily!

KMJS , nakakabiliB ang mga kuwento

Nakakabilib talaga ang team sa likod ng Kapuso Mo, Jessica Soho dahil dalawang bonggang features ang hinangaan ng publiko sa kanilang episode last Sunday.

Una, ‘yung Simbang Gabi love story ni Ella na humiling ng lovelife sa siyam na gabing pagsisimba. Sa unang gabi ay namataan agad niya ang isang lala­king nagustuhan niya.

‘Yun nga lang, isang seminarista si Bro. Rick. Pero nagkalapit sila sa Simbang Gabi hanggang sa mahulog ang loob nila sa isa’t isa.

Tinalikuran ni Brother Rick ang pagpapari at natuloy ang relasyon nila hanggang sa makasal.

Ang pangalawang feature ay tungkol sa isang palaboy sa Cebu na tinawag na Berta. Inglesera si Berta at napukaw ang atensyon ng isang vlogger.

Tinutulungan si Berta ni Marlon at dinala sa isang facility upang maalagaan at magamot. Sa research na ginawa ng KMJS team, English graduate si Berta.

Na-inlove sa isang lalaki, nadamay sa bisyo at na-depress. Sa tulong ng vlogger at ng KMJS, malinis na ang hitsura ni Berta at bumalik na sa katinuan.

Pahayag ni Berta, “All I can say is do good, be good, and be hardworking. Don’t follow people who are taking drugs. Live a new life and good life.”

Salute, Kapuso Mo, Jessica Soho!

LILY MONTEVERDE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with