^

Singer-songwriter na si sab, inilabas na ang kantang dancing in the dark

(Pang-masa) - December 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasundan agad ang proyekto ng promising singer-songwriter na si SAB sa pamamagitan ng kanyang second single na Dancing in the Dark mula sa Star Music.

Opisyal na inilunsad noong Biyernes (December 4), isa na namang kaaya-ayang awiting ang Dancing in the Dark mula kay SAB na bagama;t baguhan sa industriya ay tunay na kapansin-pansin dahil sa kanyang captivating vocals.

“’Dancing In the Dark was a few years in the making. Ito ang unang kanta na ginawa ko sa guitar,” kwento ni SAB.

Naniniwala siya na magreresonate ang kanta sa sinuman na nakaranas ng meaningful moment kasama ang isang tao o sinuman na naka-focus sa kasalukuyan at hindi iniisip ang hinaharap. Tungkol sa isang pag-ibig na hindi tugma ang awitin na kasalukuyang tampok sa New Music Friday Philippines ng Spotify.

Sinusundan nito ang success ng unang single niya na She, na inilabas noong Hulyo at nakatanggap ng suporta mula rin sa Spotify sa pagkakasama ng kanta sa New Music Friday playlist hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Thailand, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Singapore, Taiwan, at Hong Kong. Narinig din ang awiting She  sa Korean drama na Flower of Evil at sa Hello Stranger digital series.

DANCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with