Jhong, hindi nagkaanak sa unang asawa

RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - November 30, 2020 - 12:00am

Masayang ibinalita ng 44-year-old dancer-turned actor-host and politician na si Jhong Hilario (Virgilio Viernes Hilario, Jr.) sa kanyang Instagram account last November 26 na magkaka-baby na sila ng kanyang longtime non-showbiz partner of nine years  na si Maia Leviste Azores.

Maia is 15 years younger kay Jhong at isang flight stewardess ng isang local airline.

Unknown to many, si Jhong ay unang nagpakasal sa isang British national na si Michelle Westgate na nakilala niya sa London habang ginagawa niya ang Miss Saigon musical play sa West End in 2001 where he was part of the cast ensemble. They got married in October 2005 pero nagkahiwalay  sila in June 2011 due to a lot of differences.  Hindi nagkaroon ng anak ang dating mag-asawa.

Si Jhong ay nagsimula sa kanyang career in the 90’s bilang bahagi ng all-male dance group called Streetboys kung saan kabilang ang kanya ring kasamahan sa noontime show na It’s Showtime na si Vhong Navarro.

Kung si Vhong ay may dalawa nang anak na binata (sa dalawang magkaibang babae), si Jhong naman ay ngayon pa lamang magkaka-baby with his present partner kaya kakaibang excitement ang kanyang pakiramdam ngayon.

Ella, handa sa mature roles

Muling nag-renew ng kanyang panibagong kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) ang 24-year-old  actress, dancer, singer at vlogger na si Ella Cruz.

Sa gitna ng pandemya ay naging malikhain ang actress-dancer at singer dahil dito umano niya nasimulan ang kanyang sariling YouTube channel na meron na ngayong mahigit 1-M subscribers at kumikita na siya rito gayundin sa kanyang pagiging TikTok.

Sa muli niyang pagpirma ng panibagong kontrata with Viva, umaasa si Ella na muli siyang makakagawa ng mga pelikula na challenging ang roles at willing umano siya umako ng mature roles.

Kahit ini-enjoy niya ang kanilang relasyon ng kanyang boyfriend na si Julian Trono na isa ring actor, dancer at singer ng Viva, malayo pa raw sa plano nila ang pagpapakasal dahil pareho pa silang may gustong ma-achieve individually.

Ang maganda sa relasyon nina Ella at Julian ay suportahan sila sa kanilang respective career at pareho nilang naiintindihan na pareho silang individual performer na hindi puwedeng dumepende sa kanilang loveteam sa lahat ng pagkakataon at hindi rin umano sila package deal.

Maraming magagandang opportunities ang dumating kay Ella sa taong ito at kasama na rito ang pagkakapanalo niya ng Best Dance Cover sa Jakarta, Indonesia noong nakaraang January kung saan ang tumayong judges ay ang paborito niyang K-Pop all-girl group na Blackpink na talagang napahanga sa husay ni Ella na sumayaw kasama ang dalawang miyembro ng Sexbomb Dancers na sina Daphny at Eunice.

Flattered at excited si Ella na gusto siyang maka-collaborate ng K-Pop star at dating miyembro ng 2NE1 girl group na si Minzy na ang showbiz career sa Pilipinas ay pinamamahalaan na rin ng Viva.

JHONG HILARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with