Alden excited na sa kanyang red letter day
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

Excited na lahat ng fans ni Alden Richards sa concert niya sa December 8.

Ito na ang talagang red letter day sa mga matagal nang naghihintay na makitang kumakanta at sumasayaw si Alden na very excited din sa mga bagong bagay na ihahandog niya sa special na araw na ito na inilaan niya talaga sa fans na matagal hinintay na mapanood siya.

Bongga si Alden dahil kahit lockdown at quarantine, non-stop ang trabaho niya kaya naman alam mo na pinagpala talaga dahil na rin sa likas na sipag at husay makisama.

Habang tumatagal ay lalo pang pinaghuhusay ni Alden ang mga talent na taglay niya. Patuloy ang self-improvement niya.

Mga nanghihingi ng tulong hindi na dapat namimili

Kaya siguro inaasahan ng marami na pag meron mga kalamidad, ang mga top stars agad ang mauuna sa pagdo-donate kasi nga alam nila kung gaano kalaki ang mga talent fee ng mga ito.

Iyon bang kahit hindi mag-fundraising o manghingi, easy na magbigay kahit P1-M dahil nga sa laki nang kinikita at sa balitang marami ang pera. Iyon pagbigay ng seed money para mag-start ang donasyon, madali para sa mga iyon at hindi na kailangan magkaroon ng show, mag-auction, o magbenta pa. Iyon na kasi ang inaasahan ng marami dahil nga sa nakikita nila na ipinapakitang post ng malaking bahay, luxury cars, helicopter, eroplano, mamahaling gamit at alahas.

Alam ko na hindi nila obligasyon iyon, at wala tayong pakialam sa mga binili nila dahil pera nila iyon , ang nangyari nga lang inaasahan na sila, mas malaki ang hinahanap ng mga tao na tulong mula sa kanila.

Iyong pagbibigay ng tulong ay hindi obligasyon, kusang-loob ‘yun. Kaya kung ano at paano nila binibigay, hayaan natin. Kahit saan pa nila kunin, magpasalamat tayo, beggars can’t be choosers. Sa panahong ito, tayo ang nanghihingi, kaya dapat lang huwag na tayong maarte pa na nagbibigay komento sa paraan ng pagbibigay nila.

Tanggapin na lang natin at magpasalamat. At sana, lagi natin sinasabi, sana all.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with