Showtime, parang hindi nawalan ng direktor
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

Nearly three weeks mula nang maging public ang pag-resign ng It’s Showtime director na si Bobet Vidanes from the noontime show, wala pang maisagot ang Media Relation Officer ng Kapamilya na si Aaron Domingo kung sino ang ipinalit sa kanya.

Happily, though, It’s Showtime goes on. And how!

Kaiga-igaya pa rin itong panoorin. And except for Kim Chiu, intact ang grupo ng show and they all seem to enjoy each other.

Yet, as a viewer, gusto pa rin naming malaman who who will call the shot, ngayong permanently out of the scene na si direk Bobet?

Arjo may bagong loveteam

Mag-ina pala ang role na gagampanan ng mag-ina sa tunay na buhay na sina Sylvia at Arjo Atayde sa episode na ipapalabas soon sa long-running drama anthology, Maalaala Mo Kaya (MMK), na ang director ay si Dado Lumibao.

Ma’am Charo Santos-Concio, of course, ang host ng anthology since May 1991 na nang unang ipalabas ay sinubaybayan na agad ng manonood.

Arjo gets himself a new leading-lady, Jane de Leon.

The cast include, too, Joshua Garcia at Angel Aquino.

Jane nakinabang sa Darna kahit hindi pa natutuloy

Of Jane, ‘di pa man natutuloy ang, kumbaga “paglipad” niya bilang Darna (yes, siya ang tiyak na gaganap na Darna, ayon sa Star Cinema), nakikinabang na siya sa publicity which the supposed movie is generating for her.

Ang gaganda ng mga lumalabas na commercial for some products she is endorsing.

And, of course, nag-i-increase na ang kanyang following.

Magtu-turn 22 today (November 22, Happy birthday Jane), yes, si Jane, who used to be a member of the dance group Girlfriends, na dating nagpe-perform sa It’s Showtime.

Na-feature rin siya bilang anak na ni Amy Austria sa serye na Halik, which topbilled Jericho Rosales.

Ang daming nagagandahan kay Jane, na bagay siyang ka-love team, o, even more than that, ni Arjo.

But as we all know, Arjo is now taken.

And he has gotten himself an ideal choice.

Si Maine Mendoza. May gustong umangal?

Biro lang!

BOBET VIDANES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with