Totoong dyowa ni Angelica madatung, may pagawaan ng yatch
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - November 22, 2020 - 12:00am

Na-stalk na ng netizens si Gregg Homan, ang sinasabing real boyfriend ni Angelica Panganiban, guwapo raw ang guy at mayaman dahil may pagawaan ng yatch at barge sa Subic, Zambales at may hotel din ang kanilang pamilya at CEO ng Subic Marine Bay.

Australian din daw ito na kinontra ng ibang netizens, half-Aussie lang daw ito dahil dad niya lang ang Australian. Wish ng fans ni Angelica, si Gregg na ang right guy for her at upgrade raw ito sa kanyang mga naging ex. O, di ba ang gagaling mag-stalk ng netizens?

Katuwa ang comments ng ilan na sila na ang pipili ng guy for Angelica para sumaya na ito at matigil na raw sa mga hugot at pag-i-emote.

Pagdi-display ng boobs ni KC, ayaw tantanan ng netizens

Napagdiskitahan na naman si KC Concepcion ng netizens dahil sa series of photos na pinost niya sa Instagram kung saan, nagpasilip ng kanyang cleavage at side ng kanyang boobs ang dalaga.

Ang caption kasi ni KC sa kanyang post ay nagpapasalamat siya at ang kanyang team sa maraming inquiries sa three Avec Moijewelry made-to-order designs na ang sale ay para sa charity. Masaya ring ibinalita ni KC na sold out ang inilabas nilang design at ang ginagawa nila ngayon ng kanyang team ay para sa mga nag-order.

Ang reklamo ng netizens, walang koneksyon ang photos sa caption, papansin lang daw si KC. May nag-comment naman na bakit lagi nitong ipinapakita ang kanyang boobs? Sabi naman ng isa, maganda na siya, hindi na niya kailangang ipakita pa ang kanyang boobs.

May obvious na fan ni KC ang nagtanong kung nagpapalit na ba siya ng image dahil nga sa laging ipinapakita ang boobs? May nagpayo naman kay KC na konting tago sa dibdib. May nag-comment pa ng “can’t find your jewelry anywhere in the picture...” at ang isa pa, tinanong si KC kung ano ang gamit na bra, kahit kita na sa litrato na braless ang dalaga.

Nabanggit na ni KC dati na hindi na siya apektado sa mga hindi nagugustuhan ang mga pino-post niyang photos, kaya itong reaction sa kanyang post, dinedma at walang sinagot kahit isa.

Rainier, nahanap na ni Yasmien

Pati kami natawa habang pinapanood si Yasmien Kurdi na muling pinanood ang video ni Rainier Castillo sa kanyang laptop na nagsasayaw. Hindi lang kasi sayaw ang ginawa ni Ranier, sayaw ng macho dancer ang ginawa na gumigiling-giling, kaya si Yasmien, hindi napigilang tumawa. Sabi pa ni Yasmien, “Nasaan nga nga ba si #Rainier Castillo? Para akong nanay ni Rainier dahil lagi niyo siya hinahanap sakin. Eto na pinahanap ko na po siya!!!”

Napanood din ni Mark Herras ang video ni Rainier at pati ito natawa at pati ang nakipanood gaya namin, natawa rin. Nalaman namin na may asawa at anak na si Rainier at babae ang five-month-old baby niya na Stellar Quinn ang pangalan. Ang cute ng baby, pinkish ang cheeks at ang lusog.

Paano... parang wala raw pinagdaanan

Si Jona ang kumanta ng theme song ng Christmas Serye ng TV5 na Paano Ang Pasko na produced ng The IdeaFirst Company. Ang Christmas song na  Pasko Na Sinta Ko ang napili ni director Jun Lana, creator ng Christmas Serye na maging theme song dahil bagay na bagay daw.

Sa tanong naman kung bakit si Jona ang napili nilang kumanta? At kung bakit ‘yun ang napiling theme song? Si direk  Jun ang sumagot. “We need an anchor and we need a song na nagse-celebrate ng Christmas. We need that kind of song, perfect ang song at gandang-ganda ako sa kanta.”

ANGELICA PANGANIBAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with