Ka-live in ni Tekla, nabisto ni Raffy

Tila nabunutan na ng tinik si Tekla matapos ang pagkakaayos at pagkakapatawaran nila ng dating live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag. Nag-post na ang komedyante ng pasasalamat sa kanyang Facebook account.

Isa sa unang pinasalamatan ng komedyante ang kaibigang si Donita Nose sa pagtatangol sa kanya at hindi raw talaga siya iniwan sa gitna ng controversy.

Pinasalamatan niya rin ang lahat ng taong sumuporta at naniwala sa kanya.

Ngayong tapos na ang issue at nanaig na ang katotohanan, ayon kay Tekla ay pipilitin niyang buma-ngon at magsimula muli. Nakiusap siya na huwag na raw i-bash pa si Michelle at ang pamilya nito.

Aniya ay mas pinili na raw niyang magpatawad kaysa manaig ang poot.

“Natapos na ang unos at pagsubok let’s forget and forgive at sa lahat ng humusga pinatawad ko na kayong lahat dahil mas ikagagaan ng kalooban ko ‘yun,” pahayag ni Tekla sa kanyang FB post.

Ibinalita ni Michelle sa radio program ni Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action na nagkaayos na sila ni Tekla, maayos na naghiwalay at nagkaroon ng kasulatan.

Pero ang hindi nagustuhan ni Raffy ay ang pag-atras ni Michelle sa drug test at lie detector test, dahilan para maghinala ang veteran broadcaster na may itinatago ito.

Katuwiran ni Michelle ay pinigilan siya ng kanyang tiyahin dahil may binat pa siya at hindi raw dapat pinapagalaw ang buhok since hair follicle testing ang gagawin sa partner ni Tekla. Pero hindi kumbinsido si Raffy sa excuse ni Michelle.

“Michelle, Michelle, Michelle, mukhang sinunog mo ang sarili mo sa akin. Mabibinat ka? Eh, ang gagawin naman sa buhok, hindi yon bubunutin bagkus yon ay guguntingin lang. Sinabi na sa iyo ng staff yon. Paano ka mabibinat do’n, eh, hindi naman yon hihilahin yung mga buhok mo, 100 hundred lang ng buhok mo, parang nagpagupit ka lang,” sabi ni Raffy.

“Meron ka talagang itinatago, you’re lying!” ang diretsang sabi ni Tulfo kay Michelle.

Dahil dito ay umatras na si Raffy sa lahat ng tulong na ipinangako niya kay Michelle at sa pamilya nito.

Show comments