^

Pang Movies

Michele Gumabao may issue sa pagkatalo sa Miss U!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

May intriga agad sa katatapos na Miss Universe Philippines 2020. After the pageant at announcement ng winner at runners-up, may kasunod na presscon pero napansin ng netizens na wala si Michele Gumabao, ang first runner up sa nasabing presscon.

Heto pa, may maintrigang pahayag si Sandra Lemonon, ang representative ng Taguig at nag-post ng “Get ready loves, tomorrow (kahapon) I will be announcing big news, it’s time to be honest and speak facts. The truth always comes out, it’s just about timing Karma is real soon, Because we deserve justice.”

Pinayuhan si Sandra ng netizens na tanggapin na talo siya, ‘wag nang maging bitter. Kita naman daw sa performance niya na hindi siya worth mapasama sa Top 5. May nagpayo pa kay Sandra na ‘wag umarte na parang dinaya siya dahil talagang hindi siya nanalo.

Napansin din ng netizens na in-unfollow agad nina Michele at Sandra si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo after the grand coronation.

Aba, may isyu nga talaga, gusto na nating malaman kung ano ‘yun. Sabi nga ni Michele sa Q&A, “bring it on.”

Kris, lumayas sa sariling bahay?!

Agad napansin ng followers ni Kris Aquino sa Instagram na wala siya sa bahay niya sa Greenmeadows at hindi siya tinigilan nang pagtatanong kung bakit, nasa condo sila nakatira ngayon ng mga anak na sina Josh at Bimby.

May nagtanong pa nga kung lumipat na si Kris sa BGC (pati kung nasaan ang condo na tinitirahan ni Kris ngayon nalaman din)? Ang sagot ni Kris ay “not permanently.” Intriguing din ang sagot ni Kris na sa December niya sasagutin ang tanong ng netizens kung babalik pa sila ng mga anak niya sa bahay nila sa Greenmeadows at kung may plano silang sa ibang bansa na manirahan.

May nagtanong din kay Kris kung nag-uusap na sila ng brother niyang si former President Noynoy Aquino? “For peace in our family & because he’s now a private citizen who doesn’t participate in social media, I won’t answer anything regarding my brother,” sagot ni Kris.

vuukle comment

MISS UNIVERSE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with