Vice, malabong ikasal kay Ion!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 25, 2020 - 12:00am

Mukhang napaaga yata ang pagsasaya ni Vice Ganda, at agad na nagbunyi  sa mga balitang maging si Pope Francis ay pabor sa same sex civil union. Akala siguro niya dahil may nasabing ganoon ang Santo Papa sa isang film documentary ay maaari na niyang pakasalan ang kanyang boyfriend na si Ion Perez. Pero hindi ganun. Hindi kasi nila alam ang paraan ng pagtuturo ng simbahang Katolika kaya akala nila puwede nang pakasal ang mga bakla.

Katulad sa nauna naming nabanggit dito, ang sinabi ni Pope Francis sa documentary ay sarili niyang opinion. Hindi iyon ang opisyal na turo ng simbahan. Ang isang papa ay tao rin at maaaring magkamali. Sinasabi lang na walang pagkakamali ang santo papa kung siya ay nagpapahayag “ex cathedra” at iyan ang mga katuruan sa doktrina at dogma ng pananampalataya na pinag-aralan na ng curia.

Isa pa, hindi kasal ng mga bading ang nabanggit kundi ang karapatan nila sa isang civil union. Civil union iyon, ibig sabihin hindi kinikilala ng simbahan.

Kung sabagay, kahit naman wala pa ang sinabing iyan ni Pope Francis, marami nang mga taga-showbiz, mga lantad na bakla at tomboy, na nagpuntahan pa nga sa abroad para makapagpakasal.

Mayroon pang isang artistang nagpakasal diyan sa isang pari-parian sa Project 8 na nagkakasal din ng mga bakla at tomboy pero ‘yan ay hindi kinikilalang legal sa Pilipinas.

Ang Korte Suprema ay nagpalabas na ng desisyon, “with finality” , noong nakaraang Enero pa, na nagbasura sa hinihingi ng isang petitioner na ideklarang unconstitutional ang isinasaad sa ating Family Code na ang kasal ay sa pagitan lang ng “isang lalaki, at isang babae” at wala kayong magagawa, Korte Suprema na iyan.

Direk Al, 87 years old

Nagising kami sa isang malungkot na balita. Yumao na ang batikang director sa pelikula at telebisyon, dancer at actor na si Al Quinn. Marami na rin naman kasing sakit si Tito Al, at saka may edad na rin. Wala pang detalyeng ibinigay tungkol sa kanyang kamatayan.

Si Al Quinn ay nagsimula noong panahon pa ng vaudeville. Ang kuwento niya, dancer sila noon sa Manila Grand Opera House, at madalas back up nina Nida Blanca at Nestor de Villa. Marami rin siyang nagawang pelikula bilang isang actor. Kung titingnan ang mga huling nasulat tungkol sa kanya, siya ay 87 years old na ngayon. Si Tito Al ay si Alcuin Pastrano sa tunay na buhay. Asawa niya ang aktres na si Lani Oteyza.

Aktor matagal nang tinatablan sa lalaki

Hindi na maikakaila ng isang hindi na masyadong young male star ang katotohanang maaaring hindi magtagal ay magladlad na rin siya ng kanyang mahabang kapa. Talagang bading na bading na ang kanyang role na ginagawa ngayon, at nagagawa niya iyon nang mahusay dahil bading naman talaga siya.

Inamin na niya dating totoong may mga nakarelasyon na rin siyang bading bagama’t hindi diretsahan pero sinasabi niya sa kanyang mga kaibigan na “tinatablan” din siya sa mga eksena nila ng kanyang leading man sa kanilang bading serye.

Kung sakali may makakalaban na naman sina Vice, Boobay at Tekla.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with