Aktres na tumanggi sa lock-in taping, papalitan ng pinagselosang magandang personalidad
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 22, 2020 - 12:00am

Tahimik pa ang lahat, pero may tsikang pina-finalize na ang kapalit ng isang aktres sa isang series na nakapagsimula na ng taping pero na-hold muna dahil inabutan ng COVID-19 pandemic.

Isang very beautiful celebrity raw ang ina-eye na makapalit ng aktres na tumangging bumalik sa nasabing series dahil sa lock-in taping.

Pero kung si beautiful celebrity nga ang makakapalit ni aktres sa series na ‘yon, aba, baka magkaroon ng pag-uusapan ang mga intrigero’t intrigera.

Nagkaroon kasi ng tsika noon na pinagselosan daw ni aktres si beautiful celebrity dahil na-link ito sa boyfriend ni aktres noon.

Tsk… tsk… tsk…

Snooky, opening sa filmfest sa Manhattan

Alam mo, Ateng Salve, pati film festivals ay online na lang ngayon.

Si Snooky Serna ang napiling mag-opening spiel para sa 10th International Film Festival Manhattan. Bale sa bahay lang nag-shoot si Snooky, pero may direktor at crew. “Dahil nga sa pandemic, ito na ‘yung uso ngayon, pati film festival, online na rin,” sabi ni Snooky.

Natuwa naman ang premyadong aktres dahil siya nga ang pinag-opening spiel sa nasabing international film festival.

Kasali raw sa 10th International Film Festival Manhattan ang pelikula nilang Latay na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Allen Dizon. “Hindi naman talaga big ang role ko sa Latay, pero ok naman. Nakakatuwa na kasali ‘yung pelikula namin sa Film Festival Manhattan,” sabi pa ng aktres.

Actually, noong March, nakapunta naman siya sa Portugal para sa isa ring film festival kung saan kasali naman ang pelikulang pinagbibidahan niya, ang In The Name of the Mother.

Alam mo ba, Ateng Salve, bago pumunta sa Portugal, dumaan muna si Snooky sa Paris, France. First time raw niyang nakapunta sa Paris. Kahit ilang araw lang siya sa lugar na ‘yon, nakapamasyal daw siya at sobrang nag-enjoy.

‘Yung maraming magagandang lugar sa Paris na naging location ng Netflix series na Emily in Paris ay napasyalan din ni Snooky.

Sabi ko nga kay Snooky, i-post din niya ang pictures niya na kuha sa Paris lalo na ‘yung mga naging location ng nasabing Netflix series. Ang bongga! ‘Yun na!

ACTRESS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with