Dimples, first sa sitcom
Dimples at Ian
Dimples, first sa sitcom
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 22, 2020 - 12:00am

Nagustuhan agad ng Brightlight Productions ni Representative Albee Benitez, Pat P. Daza at Corinna Vistan ang konsepto ng bagong family sitcom ng TV5 na Oh My Dad! nang ibato ito sa kanila ni Atty. Joji Alonso.

Eh gusto ni Atty. Joji na gumawa ng isang fun family sitcom dahil matagal na ‘yung TV show niyang The Legal Forum na una niyang TV production.

Ang nakatutuwa, si direk Jeffrey Jeturian ang director ng una niyang TV show at sa Oh My Dad!, si Jeturian ang director nito. So bale reunion nilang dalawa ang sitcom matapos gumawa ng ilang movies sa ilalim ng kanyang movie production.

Ang writer naman na si Alpha Habon ay ang writer ng festival movie ng Quantum Films na Buy Now, Die Later. Plano siyang bigyan ng directorial break ng lawyer-producer-director dahil nakitaan niya ito ng potential.

Bale sa sitcom muling sumabak ang lead actor na si Ian Veneracion after 40 years sa comedy. Bata pa lang siya nang sumabak sa sitcom na Joey & Son kasama si Joey de Leon.

Base sa nakapanood kay Ian, aba, natural ang pagpapatawa at walang sablay sa komedya. Samantala, ang leading lady naman niyang si Dimples Romana ay unang sabak sa sitcom.

Mapapanood ngayong Sabado, 4 hanggang 5 p.m., ang pilot telecast ng Oh My Dad!

IAN VENERACION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with