Rhian, napahalik kay Jennylyn
Rhian at Jennylyn
Rhian, napahalik kay Jennylyn
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - October 22, 2020 - 12:00am

Ang tweet ni Rhian Ramos na “Hi. Na kiss ko na si Miss Jennylyn Mercado. Surprise!”  Ang tinutukoy ni Rhian ay ang eksena sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly kung saan, kiniss niya si Jennylyn. Mabilis lang ang eksena, ini-smack lang ni Rhian bilang si Abby ang best friend niyang si Coleen (Jennylyn) nang amining in love siya rito.

Nakakatuwang basahin ang comments ng netizens, may tunog daw kasi ang kiss ni Rhian kay Jennylyn. Ang karamihan, nagulat sa kanilang napanood at may nag-comment naman na pinapayagan na pala ng MTRCB ang ganu’ng eksena.

May nakaalala naman na sa The Rich Man’s Daughter, lesbian din ang role ni Rhian at muling nabuhay ang pagsi-ship kina Rhian at Glaiza de Castro. Hanggang ngayon, may umaasa pa ring maging totohanan ang relasyon nina Rhian at Glaiza, kaloka!

Kung ginulat ni Rhian ang viewers sa pag-kiss niya kay Jennylyn, marami rin ang ginulat ni Dennis Trillo sa role bilang si Drew na obsessed kay Coleen. May eksena pa si Dennis na dinilaan ang TV screen kung saan, makikitang naliligo si Coleen na hindi alam na nilagyan ni Drew ng hidden camera ang kanyang banyo. May eksena pa ang aktor bilang si Drew na sinisinghot ang natutulog na si Coleen.

Kaya pala sabi ni Dennis sa Zoom interview, na-challenge siya sa role na ginampanan dahil kakaiba.

Arjo, ka-bonding ang kapatid ni Maine

Nagpalitan ng congratulatory messages sina Arjo Atayde at Maine Mendoza na parehong tumanggap ng award kamakailan. Naunang nagpaabot ng kanyang pagbati si Maine kay Arjo nang manalo ng Best Actor in A Leading Role para sa Bagman ng ABS-CBN na napanood sa iWantTV.

Sabi ni Maine, “Not surprised at all. Iba talaga ‘yung Arjo, Congrats, @arjoatayde! (Pwede pa-fansign?)”

Noong isang araw, nanalo naman si Maine ng Comedy Actress of the Year ng GMMSF-Box Office Entertainment Award at si Arjo naman ang nag-congratulate kay Maine. “Congratulations Babs! Always proud of you @mainedcm” post ni Arjo na sinamahan pa ng heart emoji.

Kinilig ang shippers nina Arjo at Maine sa nabasa nilang palitan ng congratulatory messages ng couple. Sa sobrang kilig nga ng isang netizen, napa-wish tuloy na sana mag-propose na si Arjo kay Maine at magpakasal na sila. Kaya lang, malayo pa ito sa isip ng dalawa at ang focus nga ngayon ni Maine ay makalipat sa ipinatayong bahay sa December. Tama ba kami na malapit o the same subdivision ng bahay nina Julius Babao at Christine Bersola-Babao ang bahay ni Maine?

Anyway, kasunod nang palitan ng congratulatory messages, may lumabas na litrato ni Arjo na nakipag-bonding sa mga kapatid na lalake ni Maine.

Paul, naka-dalawang taon na kay Taki

Totoo pala ang nabasa naming tsika ng fans nina Paul Salas at Barbie Imperial na si Taki Saito ang ipinalit ni Paul kay Barbie. Ang parang hindi lang tama ay iniwan daw ni Paul si Barbie dahil kay Taki dahil break na yata sila ni Barbie nang maging sila ni Taki.

Nalaman namin ang tungkol kina Paul at Taki nang mag-guest sila sa birthday vlog ni Allan Diones. Ayaw pa sanang umamin ni Taki, pero si Paul na ang umaming two years na sila, Long Distance Relationship (LDR) nga lang ang relasyon nila dahil sa Japan na based si Taki at si Paul, nasa Pilipinas.

In fairness kina Paul at Taki, hindi sila nag-post ng photos nila na magkasama sa kani-kanyang Instagram account. Kahit nga solo photos nila, walang makikita sa kanilang Instagram page.

Speaking of Paul, malapit na siyang muling mapanood regularly sa GMA 7 dahil babalik na ang Descendants of the Sun kung saan, isa siya sa cast bilang si Marty Talledo. Sa October 26, na muling masusubaybayan ang local adaptation ng hit Korean series.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with