DOTS PH, nasa Netflix na!

Mababasa ang post sa Instagram ni Dingdong Dantes kung saan ibinalitang streaming sa Netflix ang Descendants of the Sun na pinagbibidahan nila ni Jennylyn Mercado bilang sina Big Boss at Dr. Beauty.

Post ni Dingdong, “Aside from recently being recognized in the 15th Seoul International Drama Awards as the Most Popular Fo­reign Drama, and for being able to air on live TV again this October, I am happy to share the news that DOTS will also be shown in Netflix starting November 13.

“The 65-episode series will be streamed on eight consecutive Fridays, and I cannot wait to see our work in the menu of this popular platform.

“Congratulations to all the men and women behind the show! Nakaka-proud kayo!”

Tuwang-tuwa ang Kapuso viewers sa balitang ito, lalo na ang mga hindi regular na nasusubaybayan ang airing ng DOTS sa GMA 7.

Speaking of Dingdong, gustung-gusto ng netizens ang caption niya sa photos ng mga anak na sina Zia at Sixto na kanyang pino-post dahil ramdam ang pagmamahal niya sa mga anak nila ni Marian. Saka, laging may ibang flavor ang kanyang caption.

Gaya na lamang sa pinost na litrato ni Sixto na ang caption ay “Sa ngayon, ang ate lang niya ang nakapagpapangiti sa kanya ng ganito. Sa ngayon. #SIXTO.”

Alden, may babae sa virtual concert

Gustong malaman ng fans ni Alden Richards kung sino ang girl na kasama sa TV plug ng December 8, 2020 virtual concert ng aktor. Gusto rin sana nilang malaman kung part talaga ng plug ang girlash o isinama lang, kasi bago raw sila mag-react, dapat alam muna nila kung sino ang girl o virtual din siya.

Anyway, starting today, available na ang ticket sa Alden’s Reality, ang first ever virtual concert sa bansa.  Ang concert ang big event sa 10th anniversary ni Alden sa showbiz.

So far, wala pa namang nagrereklamo sa ticket prices na P999 at P1200 at ang tanong lang ng fans, bakit magkaiba ang presyo ng ticket, eh virtual naman concert naman ito? Masasagot ito pagbili n’yo ng ticket sa www.gmanetwork.com/synergy.

DenJen, wala nang awayan

Mabilis ang sagot ni Jennylyn Mercado na “hindi na kami nag-aaway” (si Dennis Trillo ang tinutukoy) nang tanungin kung ano ang kaibahan sa working relationship nila ngayong dalawa?

Dati raw, lagi silang nag-aaway kapag may project na magkasama sila, hindi lang halata na nag-aaway sina Jennylyn at Dennis dahil pagharap nila ng camera, maayos ang trabaho at propesyunal. After kunan ang eksena, saka uli sila nag-aaway.

“Dito sa I Can See You: Truly. Madly. Deadly, smooth ang trabaho namin at natapos namin ang four-day lock-in taping na smooth ang trabaho namin,” sabi ni Jennylyn.

Napangiti si Dennis nang marinig ang nabanggit ni Jennylyn na pag-aaway nila dati na ibig sabihin, totoo ang tsinika ng GF.

Airing sa Monday (October 19), 9:15 p.m. sa GMA Telebabad ng GMA 7 ang last sa I Can See You series sa direction ni Jorron Monroy at kung saan, kasama nila si Rhian Ramos. Tatakbo ang mini-series hanggang Oct. 23 at kikiligin ang DenJen fans sa mga eksena ng favorite love team nila.

Ang kaigihan sa couple na nagbibida sa mga teleserye o ganitong project, wala silang social distancing, kaya may kissing scene sina Jennylyn at Dennis. “Sa amin ni Dennis, wala nang ilangan at mas comfortable kaming gawin ang eksena. Nagawa namin nang hindi na kami nagtatanu­ngan,” ayon pa kay Jennylyn.

Show comments