KathNiel, mag-asawa na ang set-up
KathNiel
KathNiel, mag-asawa na ang set-up
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 25, 2020 - 12:00am

Mukhang nagpa-practice nang maging Mrs. Padilla si Kathryn Bernardo nang magluto siya para sa boyfriend na si Daniel Padilla.

Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram story ang video ng pagluluto niya ng roasted chicken at mushroom soup na tila lunch nila ng family with Daniel.

Nang maluto ang mushroom soup ay tinawag niya si DJ at para silang mag-asawa habang ipinatitikim ng aktres ang kanyang niluto. “Love, come here, welcome to my cooking show,” pagtawag ni Kathryn sa BF. “You try this,” sabay-subo kay Daniel.

“Sarap,” sabi naman ni Daniel nang matikman ang soup. “Malapot na siya, okay na siya.”

Nang maluto naman ang chicken, komento ni Daniel, “Babe, it’s beautiful.”

Masasabi ngang kasal na lang ang kulang kina Daniel at Kathryn dahil para na sila talagang mag-asawa kung magturingan na hindi naman kataka-taka na rin since eight years na ang kanilang relasyon.

Michelle at Paulo, suportado ng mga karelasyon

Suportado ng kani-kanilang karelasyon ang loveteam nina Michelle Vito at Paulo Angeles sa Kapamilya teleserye na Ang sa Iyo ay Akin.

Ayon kay Michelle, okay na okay daw sa boyfriend niyang si Enzo Pineda ang loveteam nila ni Paulo at nagkukuwento pa nga raw siya rito ng mga eksena nila ng kapareha. “Ang sinasabi niya (Enzo) sa akin palagi ay galingan ko palagi, congrats sa show namin at kinakamusta niya ako sa tapings, and mga cast, sina Pao, so okay naman po talaga,” sey ni Michelle.

Sabi naman ni Paulo, “Ako ‘yung sa akin sobrang wala lang, okay lang sa kanya (sa girlfriend) na love team kami ni Michelle.”

Ayon pa kay Michelle, noon pa naman daw ay magkaibigan na sila ni Paulo at nagkatrabaho na rin sila before pa.

Napapanood ang Ang Sa Iyo Ay Akin, gabi-gabi sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel tuwing 9:20 p.m. at iWantTFC. I-download lang ang app sa Google Play o App Store, o bumisita sa iWantTFC.com.

DANIEL PADILLA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with