Ylona, pinagsasabay ang trabaho at pag-aaral
Ylona
Ylona, pinagsasabay ang trabaho at pag-aaral
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - September 23, 2020 - 12:00am

Balik sa Sydney, Australia with her family ang 18-year-old ex-PBB housemate, singer-dancer at young Kapamilya teen actress na si Ylona Garcia.

Since wala naman silang katulong sa Australia, tumutulong si Ylona sa mga gawaing bahay. Habang nag-aaral ay meron siyang part-time job, bilang service crew ng fastfood chain na McDonald’s na malapit lamang sa kanilang lugar.

Si Ylona ay pangatlo sa limang magkakapatid. Ang kanyang parents ay parehong nasa medical field in Sydney.

Habang hindi pa nawawala ang pandemya, masaya ang teen star na kapiling niya sa Australia ang kanyang pamilya.

Anne at Erwan, sa ‘Pinas gustong mag-Pasko

Sa December pa planong bumalik ng Pilipinas ng mag-asawang Anne Curtis and Erwan Heussaff kasama ang kanilang almost seven months old baby na si Dahlia Amelie (turning seven months on October 2), dahil gusto nila na sa Pilipinas sila magdiwang ng Pasko at Bagong Taon. Ito rin bale ang magiging first Christmas and New Year ni Baby Dahlia.

Although nami-miss ni Anne ang kanyang hosting job sa It’s Showtime, paggawa ng pelikula sa Viva Films at pag-shoot ng bagong TV commercials, hindi nito ikinakaila na priority umano niya ngayon ang kanyang pamilya lalo na si Baby Dhalia na carbon copy ng husband ni Anne na si Erwan.

YLONA GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with