Angel, regular pa ring napapanood
Angel
Angel, regular pa ring napapanood
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - September 21, 2020 - 12:00am

Noong September 11 lamang nagtapos sa ere ang afternoon TV series na Love Thy Woman kung saan isa sa mga tampok na bituin si Eula Valdez. May dalawang tumatakbong serye ngayon na parehong replay, ang The General’s Daughter kung saan kasama rin si Eula. May guest appearance din siya sa Kadenang Ginto.

Pagdating naman sa actor na si Albert Martinez, tatlong replay TV series ang kanyang tinatampukan, ang The Good Son, The General’s Daughter at Kadenang Ginto.

Sa case naman ni Angel Locsin, may tumatakbo siyang replay series na The General’s Daughter where she plays the title role at meron siyang weekend program, ang Iba ‘Yan.

Kahit nawala ang free broadcast ng ABS-CBN, patuloy pa ring sinusuportahan ng advertisers ang mga programa ng Kapamilya Network kahit replays.

Julia, iba na ang pinagkakaabalahan

Dalawang TV project ng aktres na si Julia Montes ang nakansela dahil sa pandemya at ang pagkakabasura ng Kongreso ng franchise renewal ng ABS-CBN noong nakaraang July 10, 2020, ang nagsimula nang umere noon, ang weekly  action-drama TV series na 24/7. Pero ang nasabing serye ay nahinto ang taping and eventually ay nakansela. 

Bukod sa nasabing serye ay may bago pa sa­nang teleserye na sisimulan si Julia na may pamagat na Burado kung saan niya kasama sina Nadine Lustre, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo at ang Thai actor na si Denkhun Ngamnet. Pero ito’y kinansela rin ng Dreamscape Entertainment na siya sanang producer ng serye to be aired on ABS-CBN.

Since nakansela ang dalawang TV projects ni Julia at wala pa siyang bagong proyekto na sinisimulan, gusto ng 25-year-old actress na maging  productive sa gitna ng pandemya kaya nag-enroll siya sa Southvillle International School and Colleges, same school nina Jodi Sta. Maria, at ang magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil. Taong 2015 nang mag-aral si Julia ng Culinary Arts.

Samantala, hanggang ngayon ay nananatili pa ring unconfirmed ang napabalitang nagsilang umano ni Julia ng baby noong isang taon na ang itinurong ama ay ang Ang Probinsyano star and director na si Coco Martin. 

Walang denial nor confirmation na nagmula mismo kina Coco at Julia.

EULA VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with