GMA News TV newscasts babalik, hindi tsinugi

Jessica

Matapos ma-isyu na tsutsugiin na ang maraming programa ng GMA News TV, nagpahayag sila na babalik sa ere ng mga newscast ng GMA News TV simula ngayong Lunes (September 21). Kabilang sa mga ito ang Balitanghali, Quick Response Team (QRT), State of the Nation with Jessica Soho, at Stand for Truth.

Simula nga sa umaga, pwede nang tumutok sa Dobol B sa News TV. Kasunod nito ang Balitanghali. Pagdating ng hapon, 3:30 p.m., mapapanood naman ang Quick Response Team.

Patuloy pa rin ang simulcast airing ng Kapuso primetime newscast na 24 Oras, pati na rin 24 Oras Weekend. Sigurado namang marami ang mag-aabang sa pagbabalik ng State of the Nation with Jessica Soho na mapapanood tuwing 10 p.m.

Local news naman ang ihahatid ng GMA Regional TV Strip pagdating ng 11 pm. Kasunod nito ang Stand for Truth, na napapanood pa rin online.

Dagdag pa rito ang GMA Regional TV Weekend News tuwing Sabado, 5 pm.

Show comments