Alden, nasilip sa ‘di pagsusuot ng face shield
Alden
Alden, nasilip sa ‘di pagsusuot ng face shield
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - September 17, 2020 - 12:00am

May nakita na namang isyu ang bashers ni Alden Richards sa aktor dahil sa teaser ng Lockdown: Food Diaries kung saan, face mask at eye shield lang daw at hindi face shield ang suot ng aktor. Dapat daw sumunod sa safety protocols si Alden bilang siya ang Anti-COVID-19 campaign ambassador.

May nanawagan pa na dapat ireklamo o kaya’y arestuhin si Alden dahil violation ang ginawa nito. May nanisi naman sa mga kasama ni Alden at sa production team ng GMA Public Affairs, dahil hindi raw ni-remind si Alden to wear a face shield at kung walang dala, sana binigyan.

Bumuwelta sa bashers ang fans ni Alden at ipinaintindi sa kanila na nag-shoot si Alden ng Lockdown: Food Diaries noong August 12 na hindi pa mandatory ang pagsusuot ng face shield. Aug. 15, lang in-announce ang mandatory use of face shields para sa commuters at nasa workplace, at Aug. 21 naman ni-require ang pagsusuot ng face shield sa commercial establishments. Kasama rito ang supermarket kung saan may mga eksenang kinunan si Alden.

Nang mabasa ng bashers ang inilatag na timeline ng shoot ni Alden sa docu at announcement ng mandatory use of face shield, ang suggestion naman nila ay ulitin ang shoot ni Alden and this time, ipakitang face shield na ang suot niya.

Uulitin ang take para lang masunod sila at tigilan sa pamba-bash si Alden? Puwede namang maglagay ng disclaimer ang GMA Public Affairs sa airing ng docu sa September 27, 3:45 p.m.

Samantala, ang episode raw nina Alden at Jasmine Curtis-Smith sa Love on the Balcony sa drama anthology na I Can See You ang unang eere sa Sept. 28 sa GMA Telebabad block ng Kapuso network.

Zia, ‘di makapaniwalang kilala ni Sarah

Tuwang-tuwa kay Zia Dantes ang fans ni Sarah Geronimo dahil sa nabanggit ni Marian Rivera na fan si Zia ni Sarah at gustung-gusto nitong isayaw ang Tala ni Sarah.

Kapag sumayaw daw ng Tala si Zia, kopyang-kopya ang steps pati ang pag-i-emote ni Sarah na kanilang ikinatutuwa ni Dingdong Dantes.

Kilig na kilig din daw si Zia nang i-video greet siya ni Sarah at sabihing ang galing nitong mag-Tala at hindi makapaniwalang kilala siya ni Sarah.

Tanong kay Marian ng anak, “why Sarah knows me? Why she knows I like Tala,” kuwento pa ni Marian.

Lalo na sigurong kikiligin si Zia kapag na-meet niya in person si Sarah at posibleng mangyari ito dahil close at business partner ni Dingdong si Ranvel Rufino na very close rin kina Sarah at asawang si Matteo Guidicelli.

Kuwento pa ni Marian kay Zia, nagugulat ito na marami ang nakakakilala sa kanya at tinatawag ang pangalan niya ‘pag sila’y nasa labas. Hindi pa aware ang bagets na sikat din siya gaya ng parents niya at nababalita rin.

Mark at Nicole, ine-enjoy ang pagbubuntis

Sa interview kina Mark Herras at Nicole Donesa sa 24 Oras Weekend, hindi nila sinagot ang tanong ni Nelson Canlas kung ano ang gender ng baby na ipinagbubuntis ni Nicole.

Pero sa IG story ni Mark, nakasulat na baby boy at ipinakita rin ang result ng pregnancy test at si Mark pa ang may hawak.

“Corky” ang napiling nickname nina Mark at Nicole sa kanilang baby, wala pa silang binanggit na full name ng baby.

Sa January 2021 daw manganganak si Nicole na five months pregnant ngayon. Nasa IG Story din ni Mark ang photos ni Nicole in her very pregnant glory at hinahalikan ni Mark ang kanyang tiyan.

Lockdown baby si Baby Corky, pero ngayon lang nila in-announce dahil ayaw nilang masabihang nagpapapansin dahil nga pandemic at sabi nga ni Mark, ang daming nangyayari sa bansa at sa buong mundo. Gusto rin ni Nicole na maging private muna ang kanyang pagbubuntis, “Enjoy muna namin bago i-share sa lahat,” paliwanag ni Nicole.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with