Manay Ichu, pumanaw!

Manay Ichu

Matapos magluksa ang vlogging community sa pagpanaw ng sikat na vlogger na si Lloyd Cadena, ang showbiz industry naman ang umiiyak sa pagpanaw ng isa sa well-loved movie producer at personality na si Manay Ichu Vera-Perez Maceda.

Aktibung-aktibo si Manay sa pagmamalasakit sa workers sa industry noong nabubuhay pa siya.

Naging bahagi rin siya ng Metro Manila Film Festival, Film Development Council, Mowelfund at iba pang proyekto para sa ikauunlad ng pelikulang Pinoy.

Matagal nang may sakit si Manay at namatay siya sa edad na 77.

Isa sa tinulungan ni Manay noong nabubuhay pa siya ay nang nagkaroon ng problema sa finances si Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Hindi lang sa showbiz marami ang nalungkot, kundi maging sa pulitika dahil asawa siya ng yumaong senador na si Ernesto Maceda at nanay siya ni Congressman Edward Maceda ng 4th District ng Sampaloc.

Ang aming pakikiramay sa naulila ni Manay Ichu and may she rest in peace.

Show comments