^

Pang Movies

Alex, umamin sa mga pinagdaanan bago napansin ng ina!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alex, umamin sa mga pinagdaanan bago napansin ng ina!
Alex

Yung pagiging kenkoy at funny girl ni Alex Gonzaga na nakikita natin simula nang maging artista siya, deep inside ay may personal struggle pala siyang pinagdaraanan sa mahabang panahon.

Ito ‘yung panahong nagsisimula nang sumikat ang ate Toni Gonzaga niya at ang nanay daw nila na si Pinty Gonzaga ay parati na lang ang kapatid niya ang iniintindi.

Inamin ito ni Alex sa latest vlog ni Toni kung saan ay nagkaroon sila ng heart to heart talk na magkapatid.

Ayon kay Alex, hindi raw pinapansin ng mommy niya ang kanyang mga kuwento at panay ang kuwento ng ate niya ang pinapakinggan. Sinabihan daw siya ng ina na wala raw kuwenta ang mga sinasabi niya kaya that time ay may tampo raw talaga siya sa nanay nila.

Feeling daw niya ay hindi siya mahal ng mommy niya because of that, kaya naman for so many years ay hinahanap niya ang sarili at kanyang sariling lugar sa mundo.

“Dati iniisip ko, na parang hindi ko makukuha ‘yung pagtingin nila katulad ng pagtingin nila sa ate pero ngayon, na-realize ko, parang mas mahal pa nila ako kasi never nilang ginawa sa ate ‘yung lumabas sa vlog.

“Never kahit interview, hirap na hirap sila. So, the fact na ginagawa nila ‘yun for me. . .” sey ni Alex.

“Nun’g nagsimula ‘yung vlog ko, parang na-realize ko na ang kailangan ko lang pala ‘yung tingin kong tao na parang kakumpetensya ko or parang ‘ay naku, papatunayan ko sa inyo na iba ‘yung akin.’ Sila pala ang kasama ko para ma-achieve ‘yun,” dagdag pa ni Alex.

Kaya naman sabi ni Toni, lesson din daw ito sa kanya na dapat ay maging conscious sa atensyon na ibibigay niya sa mga anak.

Ini-reveal din ni Alex na dati raw ay madalas siyang umiyak sa kanyang boyfriend na si Mikee Morada.

“2016. Dating kami ni Mikee, I would always cry kay Mikee kasi tumawag sakin ang mommy ko, ‘O Catherine may nag-iinquire sa ‘yo, ganto ganyan, ano? Ilan ang gusto mong vlog?’ Yung binibigyan ako ng mommy ng freedom to choose kung ano yung gagawin sa scope of work.

“So, sabi ko, ‘No no no, mommy, okay lang sa’kin yung ganto o itong vlog na ‘to’ kumbaga may input ako sa nangyayari.

“Tas binaba ko yung phone ta’s alam mo sabi ni Mikee, ‘Huy nagagawa mo na yun gusto mo’.”

“Sabi ko, ‘Huh? Bakit?’ ‘Ano ka ba last year umiiyak ka sa’kin, sabi mo gusto mo ma-appreciate ka ng parents mo.’ Kasi dati ang mommy ko, ‘O ganto yun sa ate mo dati, so gusto mo ba yun ganto?’ Laging may comparison,” sabi ni Alex.

Tinanong ni Toni ang kapatid kung ano ang maia-advice nito sa mga kabataan na nasa ganu’ng predicament na hinahanap ang sariling identity in this world.

“You just have to trust the process, whatever life throws at you right now. May mga challenges na ibibigay sa atin at lahat ng experiences mo, may it be bad or good, celebrate. ‘Pag mas maraming bad doon ka mas natututo at doon mo mas nakikita kung ano ‘yung kailangan mong baguhin.

“Ako it took me years here in the industry to realize who I am, kung ano talaga ‘yung kaya kong ibigay na kailangan kong maging proud at kailangan kong tanggapin. Those twelve years were all a blur and a struggle lalo na sa kalooban ko,” pahayag ni Alex na at one point ay napaiyak pa dahil sa kanyang struggle na pinagdaanan.

vuukle comment

ALEX GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with