^

Pang Movies

Piolo walang paki kina BB at KC?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Wala sa hitsura ni Piolo Pascual na bothered sa mga pinagsasabi ni BB Gandanghari.
Sa mga upload sa kanyang Facebook account (na may administrator), puro chill photos ang laman nito na ang pinaka-last nga ay ‘yung may hawak siyang aso at majority ay plugging ng mga ini-endorse niyang products.

Oo nga naman. Bakit naman sasagot ang actor eh kahit ano namang sabihin niya, palagay n’yo ba mako-convince ang netizens?

Ngayon pa naman, lahat may stand sa kahit anong issue.

Kay KC Concepcion nga hindi kumibo si Papa P kay BB pa kaya?

Almost 10 years na yata ang break up nina Piolo and KC pero parang kelan lang dahil nabuhay ang issue matapos mag-post si KC ng isang poem na inassume na for Piolo.

At ang the height nagka-issue pa na buntis si KC courtesy of Papa P.

Hahaha. Kakawindang naman.

Eh ‘yung sinasabi ni BB parang history na hindi na lang basta throwback.

Hmmm ang bottomline, winner si Papa P.

Saka sabi nga sa famous quote : “Sometimes silence is the best revenge. Mystery and guesswork kills!”

Manigas nga naman sila sa kakaisip kung ano ang totoo.

Parang si Arnold Clavio. Nanahimik din. Kasi puwedeng sila-sila na lang mag-usap at i-resolve silently na hindi kasali ang social media.

Bugoy umaming may pamilya na

So ‘yun nga, may anak na si Bugoy Cariño. At finally inamin na niya ito na may baby sila ng volleyball star na si EJ Laure.

“HAPPY BIRTHDAY TO ME!

“Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!!”

Matagal na actually itong common knowledge sa showbiz pero walang official na pag-amin ang bagets actor noon na naging member ng grupong Hashtag.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with