_pang-masa
^
Heart at Gov. Chiz, kinainggitan sa back hug
Heart at Gov. Chiz

Heart at Gov. Chiz, kinainggitan sa back hug

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - August 26, 2020 - 12:00am

Ang daming nag-comment ng heart emojis at may mga nagbiro na nainggit sila sa post ni Heart Evangelista ng photo nila ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero na yakap niya ang asawa habang nasa likod siya nito at nakapikit ang mga mata.

Patungkol sa kasipagan ni Chiz ang caption ni Heart sa photo nila ng asawa na “Seeing this man work tirelessly for the province of Sorsogon and witnessing the developments and results is so captivating. Congratulations, my love.”

Biniro ng kanyang mga kaibigan at follo­wers sa Instagram si Heart at tinawag silang Power Couple. May nag-comment namang sweet sila ni Heart, pero may isa pa ring nagtanong kay Heart ng “Is Chiz a sweet husband? How does he express his love for you?” kung saan sinaway siya ng ibang netizen dahil too personal daw ang question at hindi na rin sinagot ni Heart ang tanong.

Anyway, sa isang interview kay Heart, nabanggit ni Heart na dapat bibisitahin lang niya si Chiz sa Sorsogon at habang naroon, inayos ang ilang bahagi ng bahay ng mga Escudero, nag-rescue ng stray dogs, at nakipagkita sa craftsmen ng probinsiya para tulungang maibenta ang mga produkto ng Sorsogon, hanggang maabutan ng lockdown at ma-stranded na nga.

Kaya ang isang linggong bisita ay inabot ng buwan at hanggang ngayon, nasa Sorsogon pa rin siya.

Xian, iyak nang iyak sa lolang may cancer

Napanood namin ang video ni Xian Lim kung saan, umiiyak ang aktor na ibinalitang dadalhin nila sa ospital ang lola niya para mag-undergo ng mastectomy. Pati ang followers ni Xian sa IG ay naiyak.

Hirap na hirap itong sabihing kaya dadalhin sa ospital ang lola niya dahil nga ooperahan. Part ng mensahe ni Xian sa kanyang followers ang “If you have a moment of your time right now just go to your mom and dad or grandpa, your lola and say I love you to them. Enjoy them while they’re still around... Malakas pa naman siya, ma don’t take time for granted. Love your parents...love your grandparents. All the money in the world, all the thing that you have, wala ‘yan. Reach out to your family. My grandma is okay, this is not a farewell video,” paglilinaw ni Xian.

Ang daming nag-commend sa heartfelt message ni Xian sa kanyang lola at in-assure siya na ipagdarasal ang paggaling nito. Pinalakas din ang kanyang loob ng iba sa sinabing treatable na ang breast cancer ngayon.

Nag-comment din ang GF ni Xian na si Kim Chiu ng ­“praying for Lola’s safe operation.”

CHIZ ESCUDERO HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with