Ruffa, matibay pa rin ang relasyon sa Israeli-French na ayaw ni Annabelle!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 24, 2020 - 12:00am

‘Kaaliw ang live tsikahan online last Saturday ng magkakaibigang sina Carmina Villarroel, Ruffa Gutierrez at Aiko Melendez. Nag-flashback sila sa kanilang mga teenager days noong panahong Regal babies sila at magkakasama sa mga pelikula.

Ang nakakatuwa pa, ang napangasawa ni Carmina ay ex-boyfriend ni Ruffa na si Zoren Legaspi.

Of course, wala namang overlapping na naganap dahil matagal na silang break nang magkaroon ng relasyon sina Mina at Zoren.

At nilinaw din naman nila na wala talagang bad blood at pati nga mga anak nila ay magkakaibigan.

Sa nasabing tsikahan ay kinumpirma ni Ruffa na sila pa rin pala ni Jourdan Mouyal, her Israeli-French boyfriend na tutol na tutol ang kanyang inang si Annabelle Rama.

May tsika kasing nag-break na sila pero it turned out na hindi naman pala. Diretso kasing tinanong ni Mina kung ito pa rin ba ang BF niya ngayon at sey ni Ruffa, “’yun pa rin, na ayaw pa rin ng nanay ko.”

Tinanong din siya ni Carmina kung may balak ba silang magpakasal at ayon kay Ruffa ay wala raw.

“Ako naman kasi, I’ve already experienced it and that’s fine and that’s great. Siguro magpapa-birthday na lang ako every year,” natatawa niyang sabi.

Dagdag pa niya, magsususot na lang daw siya ng white every year sa birthday niya at iimbitahan niya ang friends niya.

Pangungulit pa ni Mina, paano raw kung mag-propose ang boyfriend sa kanya.

“Siguro, hindi pa ako ready,” sey niyang natatawa.

“Alam mo kasi, iba na ang pananaw ko. I mean, this can be agreeable to other people or not, pero siguro, for me, parang mas type ko na ‘yung ganitong set-up,” she said.

Sina Aiko, Mina at Ruffa ay unang nagkasama sa pelikulang Underage 2 noong mga teenager pa sila and since then ay naging BFFs na sila. Sa paglipas ng panahon ay nanatili ang pagiging magkaibigan nila at kahit hindi raw sila madalas magkita ay never daw nagbago ang kanilang magandang samahan.

RUFFA GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with