Movie producers, hirap makabangon

Palagay mo, Salve, kelan uli magi­ging busy ang showbiz? Kelan kaya uli ‘yung mga kabi-kabilang taping at shooting? Kelan kaya uli ‘yung sabay-sabay halos na presscons? Anything in sight? Mukha bang any moment meron nang mag-uumpisa?

Sana naman, dahil kung hindi, balewala na rin ang movie houses, hindi na rin mapupuno ito o mag-aagawan sa bookings. Naabuso rin kasi ang pag-book sa mga sinehan, naging palakasan na rin at nahirapang sumingil ang mga producer, so ‘yung konting puhunan ay hindi mai-roll kaya nahin­to ang production ng iba.

Ngayong nahihirapan sa pagbangon kaya nahihirapang mag-start uli. Hindi mo na alam kung saan mag-uumpisa.

Hay naku Salve, save the movie industry. Hahaha.

Kalikasan naging malusog

Napansin n’yo ba na parang ang daming birds ngayon sa kalangitan? ‘Yung huni nila every morning ang sarap pakinggan, at ewan kung dahil bihira na ang sasakyan sa kalye kaya maraming ibon.

Saka baka dahil na rin sa mga halaman na parang very healthy ngayon ang pagtubo kaya ‘yung birds ay naglalabasan.

Nice to see them flying sa skies. Saka sana nga tuluy-tuloy na ang magandang hangin na hindi gaanong polluted para mas gumanda ang quality ng hangin natin.

One thing na nagawa ng lockdown ay ‘yung cleaner air around us.

Hay naku, sana lang makatulong sa ekonomiya para mas maraming trabaho at maraming pera.

Show comments