Mga bagong show ng TV5, inaasahang tuluy-tuloy na
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 18, 2020 - 12:00am

Ang ganda naman ng reaction ng TV viewers sa mga bagong show ng TV5. Talagang na-excite sila at natuwa sa mga bagong show na napanood nila. Ok naman dahil mukha ngang naayos nang mabuti ang production at parang extension ng Eat Bulaga dahil sa mga host na galing din sa TAPE, Inc.

Sana nga tuluy-tuloy na ang magandang showing ng lahat ng show para maging isa na ring malakas na kalaban sa rating ang TV5.

Maganda ang start, tuluy-tuloy na iyan. Tingnan natin ang mga susunod pa, watch natin. 

Chin Chin timing ang pagiging madre

Ang gandang balita na isa nang full-pledged Carmelite nun si Chin Chin Gutierrez. Magandang balita dahil mula sa glittering world ng showbiz heto si Chin Chin na isang mahusay na actress pero mas pinili ang spiritual growth.

Nu’ng isang taon pa balita na madre na si Chin Chin.

Mula sa pagiging aktres, pumasok siya sa kumbento, isang malaking hakbang papunta sa sisterhood.

Isang mahusay na artista na mas pinili ang maging madre upang masilbihan ang spiritual needs ng tao.

Pray for us Sister Chin Chin, iyan ang kailangan natin ngayon, ang dasal ng mga tulad mo. Pray for us.

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with