Angel, may ibang manager na?!
Angel
Angel, may ibang manager na?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - August 11, 2020 - 12:00am

May announcement na naman ang isang management firm na sila na ang manager ngayon ni Angel Locsin. Nagpalit na pala siya ng manager?

Kung ano ang dahilan at nagdesisyon siyang magpalit ng manager ay walang nasabi. Siguro naman natapos na kasi ang kontrata niya sa dati niyang managers. Ang artista naman kasi ganyan eh. Nagbabago ang kanilang diskarte sa kanilang career.

Nagbabago rin ang kanilang personal priorities, kaya nga normal lang sa kanila na humanap naman ng managers na mas makakasundo nila, base sa sitwasyon at sa kanilang personal priorities.

Sana lang maibalik nila sa dati ang status ng career ni Angel.

Sanay na naka-isolate...

In high spirits pa rin si Senador Bong Revilla, na nagsabing siya nga ay infected ng COVID-19, pero idinugtong niyang “huwag kayong mag-alala dahil ok po naman ako.” Sinabi rin niyang negative naman sa test ang kanyang misis na si Mayor Lani Mercado at ang kanyang mga anak.

Sinasabi nga ng medical practitioners na basta ang isang may sakit ay nananatiling may magandang disposition kagaya ni Senador Bong, hindi iyon makakaranas ng depression at malamang na mabilis maka-recover. Sinasabi nga nila na ang depression, lalo na sa mga unang tinamaan ng COVID-19, iyon ang lalong nagpalala ng sakit.

Ganoon din naman ang payo ni Michael V., na nauna ngang tinamaan ng COVID-19, pero mabilis ding gumaling. Huwag daw ninyong hahayaan na talunin kayo ng depression sa panahong may sakit kayo, dahil iyong takot at pag pumapasok sa isip ng may sakit na wala ngang gamot ang COVID-19 ang siyang lalong nagpapalala sa sitwasyon.

Mas tama raw na magpalakas ng katawan, gamit ang mga bitamina, sapat na pahinga at karaniwang mga gamot ay gumagaling na ang COVID-19.

Palagay naman namin kayang-kaya iyan ni Senador Bong. Ang unang pinagmumulan kasi ng depression ay iyong pag-iisa ng pasyente sa kabila ng kanyang sakit dahil sa “isolation.”

Sanay na sa ganyan si Senador Bong pagkatapos ba naman niyang makulong ng ilang taon din sa Crame, na halos ganyan din naman ang sitwasyon. Mas mabuti pa nga ang COVID dahil alam mo na pagkatapos ng mga 14 o 21 days ay laya ka na.

Noong makulong siya sa Crame, hindi niya alam kung kailan siya makakalaya. Kaya nga dahil sa ganoong sitwasyon, marami ang naniniwala na mabilis na gagaling ang senador, pero ang mahalaga ay iyong contact tracing.

Dating matinee idol bagsak-presyo  

Nagkasalubong sa isang casino bago mag-lockdown ang isang reporter at isang male star na naging sikat na matinee idol din noong araw, at nasira lamang dahil nagkaroon nga ng bisyo.

Kinausap daw siya ng male star na ang sabi, “ihanap mo naman ako ng booking kahit na 5K lang. Kailangan ko lang talaga ng pera.”

Nagulat ang reporter, alam naman niyang noon pa nababalitang gumagawa ng milagro ang dating sikat na teen matinee idol, pero hindi niya akalain na bagsak na ang presyo noon sa ganoong halaga lamang.

“Kung sa bagay, may edad na rin naman siya, hindi na sikat at hindi na kasing pogi noong nagsisimula siya na talagang guwaping siya,”sabi pa ng reporter na source namin.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with