Carla inalala kung paano inatake sa Japan
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - August 10, 2020 - 12:00am

Akala ng mga nakabasa, magsasara ang Holy Smokes Barbeque restaurant nina Carla Abellana na nasa Poblacion, Makati dahil sa post ng Kapuso aktres na “As we close our Poblacion home, we can’t help but look back at all our happy memories, features and achievements.”

Mabuti at nilinaw ni Carla na magre-relocate lang ang barbeque resto na marami ang may gusto sa food na nasa menu. Hindi pa nabanggit ni Carla kung saan nila ililipat ang Holy Smokes.

Speaking of Carla, nakwento nito nang mag-guest siya sa isa sa episode ng Just In ang pinag­daanang health condition at ang paggi-gain niya ng weight habang nagti-taping ng Love of My Life.

Kumonsulta siya sa mara­ming doctors at inakala pa ngang may problema siya sa thyroid o sa metabolism. “I was clear to travel na tapos may mga medication na ibinigay e hindi ko alam kung bakit pero pagdating sa Japan inatake ako... Hindi ako makatayo. Sobrang sakit ng tuhod ko and then lumaki ‘yung tiyan ko and sumakit nang todo yung tiyan ko na ang tigas-tigas. Nag-worry na ako. I was in so much pain tapos nag-decide kami na ‘yun nga magpatingin na... May problem nga daw sa tuhod, dahil ‘yun sa isa sa medications na tinake ko noon. Napakahirap kasi halos ‘di ko na-enjoy yung trip na ‘yun,” kwento pa ni Carla.

Okay na ngayon si Carla, pumayat na at raring to work again. Wala pa lang balita kung kailan magre-resume ang taping ng Love of My Life.

Max, lantaran ang pagpapasuso

Si Max Collins pa lang sa mga aktres na nanganak ang nag-post ng photo na nagpapa­dede sa baby nila ni Pancho Magno na si Skye Anakin ang may frontal na kuha habang nagpapadede. Ang ibang aktres na nagbi-breastfeeding, mag-post man ng litrato na nagpapadede, kundi nakatalikod ay nakatagilid, pero si Max, nakaharap siya.

Tapos, ang ganda pa ng kuha ni Pancho sa litrato ng kanyang mag-ina, ang linaw na dumedede si Baby Skye at nakasubo ang nipple ni Max.

In fact, ang pagsuso ng bata ang tumakip para hindi makita ang nipple ni Max.

Sabi ni Max sa caption ng picture, “Since its world breastfeeding week, I’d like to share my journey with you thus far. It’s been CRAAAAZY I honestly don’t know how mamas go on breastfeeding for years, or with twins! Yes, it’s a magical, intimate experience to have with your child, but it’s also physically and emotionally draining.”

Nakwento ni Max na sa first two weeks ng kanyang breastfeeding nahirapan siya dahil madalas clogged ang milk ducts niya. Mahirap pa rin magpadede hanggang ngayon, pero kinakaya niya.

Pinasalamatan nito ang isang kaibigan na nagsi-share ng kanyang milk kay Skye.

CARLA ABELLANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with