Alex, babalik sa TV5?!
Gorgy Rula (Pang-masa) - August 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pagkatapos in-announce ang mga bagong programang aabangan sa TV5 ngayong linggong ito, ang dami nang naglalabasang pangalang posibleng lilipat daw sa TV5.

Dito lumutang ang pangalan ni Korina Sanchez-Roxas na baka magkaroon daw ng sariling show sa Singko.

Napabalita ring magkakaroon din daw ng programa sa TV5 ang sikat na tambalang Anthony Taberna at Gerry Baja, pero meron ding kuwentong baka sa DZRH daw sila magkaprograma. Si Vic de Leon Lima naman daw ay maaring sa GMA 7 naman lilipat, lalo na’t marami naman siyang mga kaibigan doon.

Naitanong din kay direk Perci Intalan kung posible rin kaya ang pagbabalik-Kapatid ni Alex Gonzaga? “Sana! Homecoming ‘yun. Babaeng hampaslupa goes home? Pero hindi na siya papasang hampaslupa now!” natatawang pahayag ni direk Perci na siyang programming head ng TV 5 / Cignal.

Bitoy nakalaya na sa COVID, pero may lagant ang anak

Parang nakahinga na nang maluwag si Michael V. na natapos na rin niya finally ang kanyang 14-day self-quarantine pagkatapos niyang gumaling sa COVID-19. “Yes, nakalaya na ako,” text sa akin ni Bitoy nang kumustahin ko siya noong nakaraang Sabado ng hapon.

Okay na raw ang pakiramdam niya, pero kailangan pa niyang magpa-swab test dahil gusto niyang mag-donate ng plasma niya para sa mga COVID patients. “Yung isang son ko, may fever kaya pinag-isolate din namin. Third day niya nag-quarantine. Pina-test na rin namin to be sure pero hopefully, stomach flu lang.

“Hirap. Parang series sa Netflix na ayaw matapos. As far as my testing is concerned, I’m planning on donating plasma for other patients. Pero required ako to have 2 negative PCR swab tests before I can do that.

“Will clear this with my doctors  and do the tests as soon as possible,” sabi pa niya sa kanyang text message,” dagdag niyang text sa akin.

Maraming puwedeng maibahagi si Michael V. na mga natutunan niya sa pagkakasakit ng COVID-19. Basta ang sabi lang niya, huwag lang magpaka-stress dahil madalas doon talaga humihina ang immune system ng tao kapag sobrang na-stress ito kapag alam nilang positive sa COVID-19. 

ALEX GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with