Planong Alden/Nadine movie, hinuhulaang lalangawin

Balita pa lang na may producer na interesadong pagtambalin sa pelikula sina Alden Richards at Nadine Lustre, may ilang fans na na tumututol na agad. Kesyo lalangawin ang pelikulang gagawin ng dalawa kung sakali dahil wala silang common fans.

Tama na raw na magkasamang endorsers ng isang brand ng tuna sina Alden at Nadine, ‘wag na raw subukan na pagtambalin sila sa pelikula kahit nagpahayag ang dalawa na open silang gumawa ng pelikula. “Awesome” pa nga ang sagot ni Nadine sa posibilidad na makapareha si Alden.

May nagpaalala naman sa tumututol ng Alden-Nadine movie na may mga tutol din dati na pagtambalin sina Alden at Kathryn Bernardo at hindi pa nga ginagawa ang pelikula, inunahan ng hindi kikita at lalangawin sa takilya. Kabaligtaran nga lang ang nangyari dahil naging highest grossing film ang Hello, Love, Goodbye nila.

May humula naman na baka Viva Films ang gustong magprodyus ng Alden-Nadine movie dahil contract star ng Viva si Nadine at si Alden papayagan naman siguro ng GMA Artist Center to do movie sa Viva Films.

Anyway, simula bukas (Monday, August 10), mapapanood na uli si Alden at Louise delos Reyes sa One True Love sa Afternoon slot ng GMA-7. Marami palang fans ang aktor na hindi ito napanood, kaya excited sila na subaybayan ang isa sa early teleserye ni Alden.

Tisoy ang pangalan ng karakter ni Alden sa One True Love at tumatak sa kanya ang pangalang ito at hanggang ngayon, marami pa rin ang tumatawag sa kanya ng Tisoy.

Gladys, nag-a-adjust sa online classes ng anak

Maraming mommies ang naka-relate sa Instagram post ni Gladys Reyes tungkol sa ipinatutupad na online classes. Pinost kasi ni Gladys ang photo ng isa niyang anak na nasa harap ng laptop at may caption na “Is it just me? Hirap pala ng online class for younger kids, need to assist them. e pano kung di rin techkie ang parents? Gusto ko maiyak. Hope kids could adjust to this new normal online class easily as well as parents. #adjustingtothenewnormal #dilemmaofonlineclass #babysteps.”

May mga pumuri kay Gladys sa effort nitong ma-assist ang anak sa online class at sabi ni Gladys, sana sa simula lang mahirap at maka-adjust agad ang mga bata at parents na rin.  Nabanggit ni Gladys na wala siyang problema sa eldest niya at sa daughter na grade 10 at grade 7 respectively, sa third child siya nagkakaroon ng problema at adjustment.

Congrats pala kina Gladys at sa husband niyang si Christopher Roxas sa bago nilang business na That’s Entertain-Meat na ready to cook meat recipes. On and off kasi ang pagiging operational ng kanilang restaurant na Estela, kaya maganda ang naisip nilang ready to cook meat.

Mga susunod na Kapamilya sa TV5, inaabangan na

Mga Kapamilya stars ang judges sa Bangon Talentadong Pinoy ng TV5 hosted by Ryan Agoncillo at magpi-premiere sa August 15, 8 p.m. Ang tinutukoy namin ay sina Janice de Belen, Joross Gamboa at John Arcilla.

Ang tatlo ang sumunod kina Jessy Mendiola, Pokwang at Ria Atayde na nauna nang kinuha ng TV5, si Pokwang ay may dalawang shows at si Ria ay kasama nila ni Pauleen Luna sa Chika Besh!

Abangan kung sino pang Kapamilya ang susunod na magkakaroon ng show sa TV5 dahil sabi naman ni Manny V. Pangilinan, welcome ang mga Kapa­milya stars sa kanyang network.

Show comments